Chapter 10

11.8K 362 5
                                    

Chapter 10 : Small world

Misty POV

Nandito ako ngayon sa Vampiral University. Nasa kwarto na ako ngayon matapos nang pagpunta naming apat sa hospital na yun.

Lutang ako ngayon. Marami akong iniisip. May Retrograde Amnesia kaya ako? Gusto ko sanang isipin kaso sabi nung doctor sasakit lalo ang ulo ko nun. Mas lalala pa yun.

Kinuha ko ulit yung scrapbook na remembrance ni Bestie. Namimiss ko na siya. Sila.

Habang tinitignan ko ang mga pictures, biglang nagvibrate ang cellphone ko. May nagtext sa akin.

Tinignan ko yun at binasa. Nang matapos kong basahin, nalaglag ko ang cellphone ko. Nakakainis nga eh! kasi naman yun nalang ang cellphone ko tapos lalaglagin ko lang. Nakakashock kasi ang binasa ko.

Fr : Bestie Zoe

HOY! HUWAG KANG MASHOSHOCK. CAPITAL LETTERS YAN PARA MAY THRILL ANG BINABASA MO NGAYON. HUWAG KA NANG PUMUNTA SA CAFETERIA SA SATURDAY. HINDI AKO MAKAKAPUNTA TALAGA DYAN. NUNG UNA PALANG, HINDI NA TALAGA AKO MAKAKAPUNTA DYAN KASI NAHIHIRAPAN AKONG SABIHIN SAYO. NGAYON KO LANG SASABIHIN SAYO DAHIL NGAYON LANG AKO GINANAHAN DAHIL ALAM KONG MALULUNGKOT KA KAPAG SINABI KO SAYO ITO. PERO KAILANGAN. PAPUNTA NA KASI KAMI NGAYON SA KOREA. HOY BAKA NALAGLAG MO NA YUNG CELLPHONE MO HABANG BINABASA MO TO! SORRY KUNG NGAYON KO LANG SINABI SAYO TO. MAMIMISS KITA. YUN NA ANG LAST NATING PAGKIKITA KASI HINDI NA KAMI MAKAKABALIK PA DITO. ALAM MO BANG BASA NA ANG CELLPHONE KO HABANG NAGTYTYPE AKO NITO? BAKA MASIRA PA TO DAHIL HINDI NAMAN WATERPROOF TONG CELLPHONE KO.

SANA HUWAG KANG UMIYAK DAHIL ANG MOTTO KO AY

I HATE DRAMA :P

Nagawa pa niyang magjoke? sabagay ayaw nga niya ng drama. Pinulot ko ulit yung cellphone ko na ngayon ay may crack na sa screen. Lalabas sana ako para pumuntang airport nang magvibrate ulit ang cellphone ko.

Fr : Bestie Zoe

HOY! HUWAG KA NANG PUMUNTA SA AIRPORT. AYOKONG MAKITA MO KONG NAMUMUGTO ANG MATA. BWISIT NA DRAMA NA YUN! SORRY, SA SOBRANG PAGMAMADALI KO HINDI KO NA NAPINDOT ANG CAPSLOCK KAYA CAPITAL LETTERS PA RIN TONG SINUSULAT KO. PAALIS NA RIN KAMI KAYA MASASAYANGAN KA NG PAMASAHE.

MAY LAST THREE WORDS AKO SAYO

I HATE DRAMA

AKALA MO SIGURO I LOVE YOU ANG SASABIHIN KO PERO ASA KA. JOKE! I LOVE YOU BESTIE! HINDI KITA MAKAKALIMUTAN KAHIT KAILAN.

YOUR TRUE BESTIE,
ZOE :P

Ginawa pa niyang liham tong message niya. Kulang lang ay yung pamuhatan. Naiiyak na ako. Bakit ngayon lang niya sinabi yun? Gusto ko sana siyang sundan kaso paalis na din sila. Masasayang pa ang pamasahe ko.

Biglang may kumatok sa pintuan ko at bumungad si Prudence.

"Anong marinig kong nalaglag? May nangyari ba sayo? Sumasakit ba ang ulo mo? Bakit may luha ka? Umiyak ka ba? Sagutin mo naman ang tanong ko!" halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil ang bilis niyang magsalita. Nadaig pa niya si Eminem.

"Paano ko naman masasagot eh ang bilis mong magsalita tsaka ang dami mong tanong" mabilis kong sabi sa kanya. Pero mas mabilis pa rin siya.

"Sorry naman!"

"Nalaglag kasi yung cellphone ko. Walang nangyari sa akin. Hindi sumasakit ang ulo ko. May luha ako dahil sa message ni Bestie kaya nalaglag ko ang cellphone ko. Tapos tinatanong mo kung umiiyak ako? malamang! kaya nga may luha eh" sagot ko sa lahat ng tanong niya.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now