Chapter 8

11.9K 407 14
                                    

Chapter 8 : New Student

Misty POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumapat sa akin. Nasa dulo kasi ako kaya may bintana ang kwarto ko. Bumangon na ako baka kasi malate pa ako sa school.

Ginawa ko na ang daily routine ko. Nang makatapos na ako, bumaba na ako sa second floor.

Nang makarating na ako sa canteen, kumuha lang ako ng tinapay, hotdog at egg. Wala kasing kanin eh!

Nakita ko si Prudence na nakain mag isa kaya nilapitan ko siya doon tsaka umupo.

"Good Morning Prudence!" masaya kong sabi sa kanya.

"Good Morning" sagot niya. Kumain na ako para pagkatapos nun ay kukunin ko na ang bag ko sa taas.

"Misty, naaalala mo ba ako?" biglaang tanong ni Prudence.

"Anong klaseng tanong yan? Malamang kaya nga kilala kita kasi nakita kita sa elevator"

"Yun lang ba?"

"Oo. Bakit? nagkita na ba tayo noon?" curious kong tanong.

"Ahh wala lang. Sige kumain ka na" sabi niya. Weird.

Prudence POV

Hindi niya talaga ako maalala. Ako kaya ang kalaro niya nung bata pa siya. Ang tawag nga niya sa akin ay Ate Den eh tapos kay Lei naman ay Kuya Al. Bakit kaya hindi niya ako maalala?

Nang makatapos na siyang kumain, tumayo na kami para kunin ang bag sa taas.

***
"Ang weird niyo namang parehas! ano ba ang nakain niyo at naging weird kayo?" sabi sa amin ni Misty. Nandito kami sa classroom. Kinukulit lang namin ni Lei si Misty. Namimiss ko na kasi siyang kulitin dati.

Napansin kong umilaw yung bracelet niya. Ngayon ko lang nakitang umilaw yung bracelet. Kulay white ang ilaw niya.

Siniko ko si Lei. "Young Master, bakit nailaw yung bracelet niya?" tanong ko. Tinignan niya ito at tumingin ulit sa akin.

"Nasa harapan niya kasi ang pinakamalakas na bampira. Yang bracelet kasi ang magbibigay ng proteksyon para hindi siya mapagkamalang tao. Ngayong alam ko nang tao siya, umilaw na yun. Walang makakalusot sa akin na tao. Pero kakaiba siya. Magiging bampira din yan pagdating ng labing walong taong gulang" bulong niya.

Wow! magiging vampire din pala si Mimi este si Misty. Excited na me!

"Anong binubulong bulong niyo dyan?" biglang sabi ni Misty.

"Ahh kasi pinakita ko kay Young Master yung picture mong cute" nanlaki ang mata ni Misty sa sinabi ko.

"Ano?! bakit mo pinakita nang hindi nagpapaalam? kinuha mo na nga nang hindi nagpapaalam eh" sabi niya.

Aleister POV

"Ano?! bakit mo pinakita nang hindi nagpapaalam? kinuha mo na nga nang hindi nagpapaalam eh" sabi niya.

"Huwag mo na siyang sisihin. Pinilit ko talaga siyang ipakita sa akin. Sabi ko kasi sa kanya kapag hindi niya pinakita sa akin, uubusin ko ang dugo niya" sabi ko. Nakita kong nagpalit ang bracelet niya sa pula.

"Bakit ka nagagalit sa akin?" sabi ko. Binasa ko yung isip niya.

'Huh? hindi ko naman sinabi sa isip ko yun ah! Paano kaya niya nalaman?' sabi ng isip niya.

"Gawa ng bracelet na yan" tinuro ko yung bracelet na hanggang ngayon ay pula pa rin.

"Wow! bakit pula to? Dati naman puti lang ang ilaw nito" sabi niya.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now