Chapter 6

12.4K 446 7
                                    

Chapter 6 : Long lost Cousin

Aleister POV

Nanigas ako sa sinabi niya. Hindi kaya siya si Mimi? Pero bakit Misty ang pangalan niya eh yung kapatid nga nya ay faith din?

"Bakit? anong meron sa sinabi ko?" bumalik ako sa realidad nang magsalita ulit si Misty.

"W-wala. Balik na tayo sa classroom, malapit nang magbell" sabi ko at lumabas.

Kailangan kong matuklasan kung tama ang hinala ko sa kanya.

Misty POV

Weird. Sinabi ko lang na nasa gubat ako pinulot tapos nagkaganyan na siya. Hindi kaya, takot siya sa gubat?

"Baliw ka misty, bampira siya kaya wala siyang kinakatakutan dun" sabi ko sa sarili ko habang palabas ng clinic. Talagang baliw na ako kasi naman bakit ko kinakausap ang sarili ko?

Ano kaya yun? baka naman may past siyang kinalalaman sa gubat. Baka may malungkot siyang naranasan sa gubat. Oo! baka yun nga!

Pumunta na ako sa classroom. Nakita ko si Prudence na nakasubsob ang mukha sa table. Anyare dun?

Lumapit ako sa kanya at kinuhit.

"Prudence, anyare sayo?" sabi ko pero hindi pa rin siya naimik.

"Huy prudence" sabi ko habang kinukuhit ko siya. Hindi pa rin siya naimik. Baka naman tulog. Inalog ko siya.

"Prudence gising!"

"Ano ba? gising ako" buti nalang nagsalita na siya.

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naimik. Ano problema mo?" umayos na siya sa pagkakaupo niya at tumingin sa akin.

"Misty, nasaan na ang salamin mo?"

"Ahhh may nagsira kasi"

"Sino ang nagsira nun? Papatayin ko siya!"

"Uy huwag naman. Hindi pwedeng pagsabihan lang?"

"Pero infairness! ang ganda mo girl!"

"Ikaw talaga nag iiba ka ng topic. Ano nga problema mo?" bigla siyang nanahimik at sumimangot.

"Kasi nung bubuksan ko na yung pinto ng kwarto ko, nakalock siya. Eh nandun pa naman sa loob yung susi ko. Paano na yan, saan ako matutulog niyan?"

"Pwede ka namang makitulog muna sa akin habang binubuksan yung pinto mo"

"Talaga? thank you! pero kung sino talaga ang naglock nun, humanda siya sa akin. Uubusin ko dugo nun" natawa nalang ako sa sinabi niya. Katulad niya kasi si Bestie pero ibang term na nga lang si Prudence. Si Bestie kapag nagbabala, sasabunutan daw niya ng bonggang bongga. Ito naman si Prudence uubusin ang dugo. Syempre tao si bestie pero si Prudence vampire.

Speaking of bestie, hindi ko pa pala nabubuksan yung regalo niya. Kapag uwian ko nalang yun bubuksan.

Dumating na yung teacher namin pero wala pa si Aleister. Ano kayang nangyari dun? Sinabi ko lang naman kung saan ako napulot ni nanay eh. Bahala nga siya dun. Pakealam ko ba sa kanya.

"Class, may activity tayo by partner. Pumili muna kayo ng partner" nagtinginan kami ni prudence. Syempre, siya gusto kong makapartner. Siya lang naman ang close ko.

"Ang gagawin lang naman ninyo ay sasabihin niyo lang sa isa't isa ang mga dream or wishes niyo"

Nagstart na kami ni Prudence.

"Sinong mauuna sa atin?" tanong ko.

"Me!!!"

"Pangarap ko lang namang maging isang tao. Gusto ko kasing maexperience kung paano maging tao. Yung natanda ka, pwede ka sa mga maiinit na lugar, tsaka yung makikita ko ang reflection ko sa salamin. Gusto ko talagang malaman kung maganda ba ako"

𝗩𝗨Where stories live. Discover now