Chapter 25

7.7K 267 23
                                    

Chapter 25 : Tears of joy and sorrow

Brent POV

Pagkalipas ng tatlong araw, puro project lang kami sa school. Bukas na ang school festival namin.

Tapos, tatlong araw nang hindi nagpapakita sa akin si Zoelle.

Nandito ako sa rooftop ngayon. Nagbabakasakaling pumunta si Zoelle. Pero tatlong oras na akong nandito at wala pa siya.

Malungkot akong bumaba sa canteen. Nandun kasi silang tatlo.

Nang makarating na ako ay umupo na ako sa tabi ni Aleister at kinuha yung bote at ininom yun. Tubig yun hindi dugo ah!

"H-hala! Brent akin yang tubig na yan" sabi ni misty. Huli na't naubos ko na yung tubig. Ngumiti nalang ako.

"Kuha nalang kita ng bago" tatayo na sana ako nang magsalita siya.

"Hindi naman yun ang pinoproblema ko. Huwag ka nang kumuha ng tubig" sabi niya. Bumalik nalang ako sa pwesto ko.

"Anyare sayo? Mukhang malungkot ka ah!" Sabi ni Aleister sa akin.

"Kasi si Zoelle...."

"Anong meron kay bestie?" Tanong ni misty.

"Hindi kasi nagpapakita sa akin si Zoelle" sabi ko.

"Nga pala misty, anong nangyare kay kuya luke? Kasi kapag napunta yun sa kwarto ko, mukha siyang ewan na bigla nalang nakipaglaro sa akin ng pass the message eh kaming dalawa lang naman ang players pero ipinagpipilit niya pa rin" biglang sabi ni Prudence.

"Ewan ko. Hindi na nga napunta yun sa kwarto ko eh buhat nung may sinabi ako sa kanya" sabi ni misty.

"Ano bang sinabi mo?" Tanong ko.

"Sinabi ko-" biglang nanlaki yung mata niya at napatakip sa bibig. Kumunot noo naming tatlo.

"Ano yun ha?" Sabi ni prudence sabay sundot sa tagiliran ni misty.

"Secret!" Sabi niya.

"May tinatago ka pala sa amin ah! Bat wala kang sinasabi?" Sabi ko.

"Kasi nga secret lang" sabi niya sabay walk out.

Natawa nalang kaming tatlo.

Misty POV

Pumunta akong rooftop para magpahangin.

OMG! Muntikan ko nang masabi sa kanila yung sikreto ko.

Mabuti nalang naalala ko pa yun kundi wala na.

Biglang umihip ng malakas na hangin at nakita ko si Bestie.

"BESTIE!" Yayakapin ko na sana siya kaso bigla niyang hinarang kamay niya.

"Bakit?" Tanong ko. Dati naman gusto niya palagi ng yakap galing sa akin.

"May tanong lang akong gustong maklaro" sabi niya in a cold tone.

Bigla akong kinilabot.

"Do you.....like brent?" Bigla akong nanigas sa tanong niya. Hala anong sasabihin ko?

"Hindi" I lied. Ayokong masaktan si bestie.

"Bakit magkayakap kayo three days ago?" Tanong niya. Hala! Paano niya nalaman yun? Ay! Binabantayan nga pala lagi ako nito.

"Ah eh nagpapasalamat ako dahil tinulungan niya ako sa project ko. Nabasa kasi yung ginawa ko gawa ni Luke na ngayon ay Missing in Action" paliwanag ko.

Tumahimik siya sandali.

"Sabi sa amin ni brent hindi ka na daw nagpapakita" sabi ko.

"Its because...Im jealous to the two of you. Akala ko kasi may namamagitan sa inyo" sabi niya.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now