Chapter 36

7.1K 237 7
                                    

Chapter 36 : The maze

Luke POV

Nagsimula na kaming pumasok sa loob ng maze.

May nadaanan kaming dalawang path.

"Saan kaya?" Sabi ni Prudence.

"Sa kaliwa tayo" napalingon silang lahat sa akin.

"Nadaanan ko na ang kanan kanina. Ang layo na ng nilakad ko. Malapit na ako sa VU nung makita kong wala nang daanan. Nakakaasar lang. Paasa" sabi ko. Tumawa naman sila. Pumunta na kami sa kaliwa.

Nakakita kami ng isang malaking pinto. May lumitaw na letra na hindi ko maintindihan sa may pinto.

"Alam ko tong letra na to. Napag aralan namin to nung high school" sabi ni misty at binasa ang nakasulat sa pinto. Parang pamilyar yung letra na yun. Nakalimutan ko lang kung saan ko nakita.

"Sabi daw dito Mabubuksan lang ito kung may kasama tayong pares" sabi niya at nagsalita ako.

"Psh! Kaya naman pala hindi ako makapasok kasi mag isa lang ako" sabi ko.

"Bat ayaw pang magbukas?" Tanong ni aleister.

"Meron pang nakasulat. Ang sabi ay kailangan nakahawak ang kamay para makapasok. Prudence tayo partners!" Sabi niya at humawak ng kamay kay prudence. Nagkatinginan kami ni Aleister.

"Ano na? Hawak na kayo!" Sabi ni prudence sa amin.

Kahit labag sa kalooban namin ay humawak na kami. Eww

Biglang nagbukas yung pinto kaya bumitaw kami pareho ni Aleister pero biglang nagsara yung pinto.

"Huwag kayong bibitaw! Sasara yun kapag may bumitaw" sabi ni misty kaya humawak nalang ulit ako kay aleister. Kung pwede lang sana ako humawak kay Misty.

Bumukas ulit yung pinto at pumasok na kaming apat. Nang makalayo na kami ay bumitaw na kami.

"May bago nang path. Ngayon ay tatlo ang dadaanan. Kaliwa, Gitna o Kanan?" Sabi ni Prudence.

Hindi ko pa to nadadaanan kaya nag isip din ako.

Pinakiramdaman ko yung sa kaliwang path.

Nakakarinig ako ng mga ingay at mukhang delikado doon.

Sunod naman ay yung gitna. Tahimik.

Pati din yung kanan tahimik yung lugar.

"Paano na yan, parehong tahimik yung sa gitna at kanan. Alin dun?" Sabi ni aleister.

"Maghiwalay nalang kaya tayo. Kayong magkapatid doon sa gitna. Kami namang magpinsan ay sa kanan" biglang hinigit ni aleister si misty papuntang kanan.

"Tara na" sabi ni prudence at pumunta kami sa gitna.

Maya maya ay may nakita kaming isang bato. Kasing laki nung nasa 10 commandments.

Kinuha ko iyon pero mabigat. Tinulungan ako ni prudence magbuhat. Bumalik kami sa labas nung tatlong path.

Nakita namin yung magpinsan na may buhat ding bato na katulad nung amin.

"Walang daan sa kanan pero may nakita kaming bato" sabi ni misty.

"Wala ding daan sa amin. Sa kaliwa ulit tayo dadaan" sabi ni prudence.

"Eh ano tong mga batong ito?" Sabi ko sabay turo don sa dalawang bato.

"Dalhin natin yan. Baka isa sa mga kailangan natin yang bato na yan" sabi ni misty.

"Eh ang bigat bigat nyan ehh" sabi ni aleister.

"Edi bahala ka. Basta dadalhin ko to" bubuhatin na ni misty yung bato.

𝗩𝗨Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora