Chapter 34

6.5K 247 1
                                    

Chapter 34 : She knows now

Misty/Megan POV

Pagkamulat ng aking mata, nakita ko ang sarili ko sa kwarto ko.

Bumangon ako at inisip ang mga nangyari. Totoo ba talaga yun?

O panaginip lang?

Nakita kong bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting si ate leslie.

"Hows your sleep?" Tanong niya at sinara ang pinto.

"O-okay naman" sabi ko. Di ko pa rin matanggal sa isip ko yung mga nakilala ko.

"Kanina ka pa tulog kaya nagdala ako ng soup" sabi niya at kinuha ang soup sa table.

"Uhmm, kanina pa ba ako tulog?" Tanong ko.

"Oo. Pagkadating namin dito, tulog ka na" sabi niya habang hinihipan yung soup.

So it was just a dream.

Pero parang feel ko na totoo yun. Umiling iling nalang ako.

"Problem?" Sabi ni ate leslie.

"I had a weird dream Ate. But i felt relieved na hindi totoo yun" sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti rin siya.

"Ano ba ang napanaginipan mo?"

"Its a long story. Kasi..........." at kiniwento ko na ang panaginip ko. Simula nung may pumasok na isang lalaki at isang babae at nang makapunta kami sa isang school.

Halatang nagulat si ate sa mga sinasabi ko.

"Huwag kang maniwala dun. In fact na its only a dream" sabi niya at ngumiti.

Kinuha na niya yung bowl dahil naubos ko na ang soup at umalis na siya.

Leslie POV

Pagkasara ko ng pinto ay huminga ako ng malalim.

That was close! Mabuti nalang akala niya panaginip lang yun. Kundi lagot ako kay Tita Prim! Masisira ang plano niya.

Pumunta ako sa kusina at nilagay yung bowl na kinainan ni misty at pumunta sa kwarto ni Tita Prim.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Tita Prim katabi ang ang aking future husband na mahimbing na natutulog.

Oo, kami ang gumawa nung insidente kanina.

Binalik namin si misty sa kwarto niya habang ang aking prinsipe ay wala pang malay ngayon.

"Gising na siya?" Tanong ni tita prim. Tumango ako.

"Kailangan na nating mailipat si Luke. Baka makita siya ni misty dito. Kailangan na nating kumilos" sabi niya.

Tumayo siya at nagsalita.

"Sandali lang, titignan ko lang si misty. Try mo lang hawakan yang anak ko kundi lagot ka sa akin. Nararamdaman ko kung may humahawak sa kanya o hindi" sabi niya. Kinilabot naman ako at umoo.

Umalis na siya.

Ako naman, tinitigan lang si Prince Luke. Ayoko pang malagot noh! Hanggan titig lang muna ako ngayon.

Grabeee ang gwapo gwapo niya!

Hindi ko na mapigilan. Hahawakan ko na sana ang mukha niya nang magmulat ang mata niya nang ikinagulat ko.

"Nasaan si misty?" Sabi niya at bumangon. Nagpalit ang mata niya sa pula at tinignan ako.

"A-ano bang pinagsasasabi m-mo?" Kinakabahan kong tanong.

"I heard your conversations between you and my mom. Bat hindi mo pa sabihin ang totoo?" Ibig sabihin kanina pa siya gising?

Bigla siyang tumayo at sa isang iglap, nawala na siya dahil lumabas na siya sa kwarto.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now