Chapter 37

7K 243 0
                                    

Chapter 37 : Red Moon

Misty POV

Pagkamulat ko ng aking mata wala akong makita.

Bulag ba ako? Bat wala na akong makita?

O baka madilim lang?

Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko kaya napasigaw ako.

"Waaaaaaahhhh! Multo!" Sabi ko at pinaghahampas kung sino man yun.

"Aaaraaay kooo masakit Misty!" Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Luke.

"Hala! Sorry ginulat mo kasi ako" sabi ko.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong makita.

"May nakikita ka ba?"

"Wala. Madilim ehh. May cellphone ka ba?" Kinapa ko ang bulsa ko at nakita ko ang phone ko.

"Meron!" Bubuksan ko na ang cellphone ko pero biglang lumabas ang katagang low battery.

"Aish! Wrong Timing! Paano tayo makakakita?" Sabi niya.

"Teka, nasaan nga pala yung dalawa?" Tanong ko out of blue.

"Oo nga noh! Aleister! Prudence!" Biglanh sumigaw si luke at ang narinig lang namin ay ang echo niya.

"Nasaan ba tayo?"

"Di ko alam. Basta bigla nalang nawarak yung daanan natin at nalaglag tayong lahat dito"

Tumayo na ako sa pwesto ko at nagpagpag ng damit.

"Oy, anong ginagawa mo?" Rinig kong sabi niya.

"Tumayo ka na dyan at kailangan na nating makaalis dito" sabi ko. Nilahad ko ang kamay ko king nasaan siya at nahawakan naman niya ito at tinayo siya.

"Saan tayo magsisimula?" Tanong niya. Hirap naman makakita nito.

"Halika hawakan mo ko para hindi ka mawala" bigla niya akong hinawakan at lumakad na kami.

Habang naglalakad kami ay kinakapa namin ang mga dinadaanan namin para hindi kami mabangga.

"Para tayong mga bulag" sabi niya. Bigla akong napahawak sa isang malamig na bagay kaya napatigil ako.

"Wait may nakapa ako" sabi ko at tumigil din siya. Hinawakan niya yung nakapa ko.

"Ang lamig naman nito. Ano kaya to?" Pagkasabi niya nun, biglang umilaw yung hinahawakan namin at may nakita kaming bilog na kulay pula.

"Pipindutin ko ba?" Tanong ko sa sarili ko.

Bago pa ako makapag isip ay biglang pinindot ni luke yung pulang bilog. Nagulat nalang kami nang bumuka nanaman yung dinadaanan namin at nalaglag kami.

Mabuti nalang at medyo mababa ang binagsakan namin at hindi kami nawalan ng malay.

Ngayon, nakakakita na kami dahil may ilaw yung ibang parte. Tinulungan ako ni luke na tumayo.

"Tara kuha tayo ng ilaw" kumuha kami ng dalawang ilaw para tig isa kami.

Naglakad na kami at habang naglalakad ay nakakita ako ng isang babaeng nakahiga doon.

"Prudence!" Biglang tumakbo si luke at ginising si prudence. Pagkamulat ni prudence ay napabangon siya agad.

"Nasaan tayo? Nasaan si Lei?" Sabi niya.

"Hindi ko alam kung nasaan tayo at kung nasaan si aleister" sabi ko. Inalalayan ko siyang tumayo.

"Hanapin natin si Aleister" sabi ko at naglakad na ulit kami.

𝗩𝗨Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora