Chapter 21

8.5K 292 1
                                    

Chapter 21 : Childhood bestfriend

Misty POV

Hindi pa din ako makamove on sa sinabi ni Brent.

Si Bestie.......

SI BESTIE MATANDA NA!!!

TAPOS NAGING GIRLFRIEND NIYA SI BRENT?!!

Sayang sila! Bagay pa naman sila.....Si Brent pogi tapos si bestie ang ganda niya!

Nasaan kaya si Bestie??

Nandito ako sa rooftop. Nagbabakasakaling pumunta siya dito. Nagpapahangin din ako tutal malamig.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ay siopao-kyaaaaaaaaaaaah" malalaglag pa ako sa rooftop buti nalang nahawakan niya ako.

"Tsk tsk tsk sa susunod kasi mag ingat ka. Pasalamat ka nandito ako"

"Ako pa talaga ang magpapasalamat. Ikaw nga ang may dahilan kaya muntikan na akong malaglag"

"Teka teka, bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko kay luke.

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang pumunta dito?"

"Ge. Salamat sa pagsagot" sarcastic kong sabi.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"Bakit? Ikaw lang din ba ang may karapatang pumunta dito?"

"Bakit? Masama bang magtanong?"

"Oo!"

"Sige nga magbigay ka ng dahilan" natigilan naman ako dun.

"Kasi ano... hindi tayo close! Tama hindi tayo close" talaga namang hindi kami close diba?

"What a lame reason!"

"Pake mo? Tsaka huwag mo nga akong kausapin" sabi ko sabay talikod sa kanya. Makaalis nalang.

Bago pa ako makaalis, may narinig akong boses ng babae.

"Huwag mo ngang inisin si Bestie!" Napalingon ako at nakita ko si Bestie na hawak hawak si Luke sa kwelyo.

"BESTIEEEEEEEEEEEEEEE!!!" kumaripas agad ako ng takbo papunta sa kanya.

Binitawan niya si luke at sinipa-awwww sakit ata nun. Ang layo ng narating niya. Kawawang Luk- hindi ako naaawa sa kanya.

Niyakap ko si Bestie.

"Namiss kita!" Sabi niya sabay bitaw sa akin.

"Ikaw din! Bakit nasa normal kang itsura ngayon?" Tanong ko. Matagal pa bago siya makasagot at nagsalita.

"Wala lang. Baka matakot kasi kita kaya ganito nalang" at nagkwentuhan pa kami ng marami....

Nalaman kong binabantayan niya ako lagi nung nandito ako sa school. Tapos sinabi niya na rin sa akin na naging sila ni Brent pero ayaw niyang pag usapan.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now