Chapter 33

6.8K 236 0
                                    

Chapter 33 : Memories

Misty/Megan POV

"M-mis-sty?" Sabay nilang sabi.

Misty nanaman? Sinabi nang Megan pangalan ko.

"I said im not misty! Im megan" sabi ko sa kanila.

Nagulat ako nang niyakap ako nung lalaki. O_o

"Namiss na kita!" Sabi niya sa akin. Bigla ko siyang tinulak nang ikinagulat nilang dalawa.

"Sino kayo? Ano ko ba kayo?" Sabi ko. Bat kasi nagka amnesia pa ako.

"Misty, anong nangyayari sayo? Kaibigan ka namin" sabi nung babae.

"Misty, dalawang taon ka na naming hinahanap. Nakalimutan mo ba yun?" Sabi naman nung lalaki sa akin.

Wala talaga akong maalala. Sumasakit ang ulo ko sa kanila.

"Sorry pero hindi ko kayo maalala" sabi ko.

"Huy! Ako si Prudence tapos siya si Luke. Naaalala mo pa ba yun?" Sabi nung babae.

Prudence? Luke?

Pinipilit kong maalala pero wala.

Maya maya ay nakarinig kami nang bukas ng pinto galing sa baba.

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Patay! Nandyan na si mama!" Bulong nung luke.

"Kailangan nating makatago" sabi naman nung prudence.

"Mama niyo si Tita Prim?" Tanong ko.

"Oo. Mamaya na ang mga tanong. Kailangan na naming magtago" sabi nung luke at nagsimyla na silang magtago. Yung Prudence sa loob ng cabinet tapos yung Luke naman ay nasa labas ng bintana.

Bigla kong naalala yung pinagtaguan nung luke.

Sa bintana? Parang may gumawa na nun ah! Sino kaya yun? Aish! Nakalimutan ko na.

Biglang may kumatok sa pinto at bumungad sa akin si Ate Leslie.

"Megan, lumabas ka ba?"

"Ahmm oo bakit?" Tanong ko.

"Kasi nakita naming nakabukas yung pinto. Akala ko kung ano nang nangyari dito. Sa susunod sarhan mo agad pagbalik. Baka kung mapaano ka pa" sabi niya. Tumango nalang ako.

Palabas na sana siya nang tumigil siya at humarap sa akin na nakakunot ang noo. Pumikit pa siya at may parang pinapakiramdaman. Naku! Hindi kaya pinapakiramdaman niyang may tao?

Bigla niyang nilapitan ang cabinet kung saan nandun si prudence. Omo! Bubuksan na niya.

"Leslie, anong meron?" Nakahinga ako nang maluwag nang pumasok si Tita Prim.

"A-ah wala" sabi niya at lumapit kay tita prim.

"Lumabas ka ba kanina?" Tanong ni tita sa akin. Tumango ako kahit hindi naman talaga.

"Make sure na sasarhan mo lagi yung pinto baka mapaano ka" sabi niya at lumabas na. Lumabas din si Ate.

Nilock ko yung pinto at huminga ng malalim. Muntikan na yun!

Lumabas na si prudence at pumasok naman sa loob si luke.

"Paanong naging ate mo yung babaeng yun?" Sabi ni luke sa akin.

"Pinagsasabi mo? Malamang pareho kami nang surname?" Sabi ko.

"Believe us misty. Hindi mo siya kaano ano. Naghihiganti lang siya sayo. Kailangan mo nang makaalis dito. Maraming naghihintay sayo sa labas nito. May dalawa kang kapatid at may dalawang pinsan sa labas nito. Sumama ka sa amin hanggat wala pa si mama at yung leslie na yun!" Sabi ni prudence habang nilalahad niya ang kamay niya sa akin.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now