Chapter 28

7.7K 251 5
                                    

Chapter 28 : Where is she?

Aleister POV

Hindi pa rin ako makaget over sa sinabi sa akin nila brent.

Kaya pala wagas kung makadikit kasi gusto pala niya si Misty.

Nakakaasar lang!

Nandito pa rin ako sa may gubat at nagbabakasakaling nandito yung leslie na yun.

Pero ngayon kasama ko na yung apat.

"Dito ko talaga nakita yung babaeng yun" sabi ko sabay turo sa paligid.

"Imposible atang bumalik si leslie dito" sabi ni prudence.

"Paano na yan? Malapit nang mag umaga. Mapapaso tayo ng di oras nito. Bumalik nalang ulit tayo" sabi ni zoelle.

"Hindi pwede!" Sabay naming sabi ni luke.

"Aba! Gusto niyo na bang mamatay? Magpapalipas lang tayo tapos bumalik nalang ulit tayo. Kailangan nang malaman ni tita Natalia para may tumulong sa atin. Tsaka ipatigil muna natin yung school festival" sabi ni brent sa amin.

Sa bagay tama siya. Sabay sabay na kaming bumalik sa loob at sinabi kay Mama.

***

"Ano? May balita kayo?" Tanong ko habang kumakain ng beef.

"May nakita po kami sa quadrangle na isang necklace. Siguradong kay misty po ito dahil nakaukit ang pangalan niya rito" sabi nung bodyguard namin at binigay ang necklace.

Suot pala ni misty to. Akala ko hindi na niya sinusuot to.

"Sure na akong si leslie nga ang kumuha kay misty" sabi ni prudence.

"paano mo naman nasabi?" Tanong ko.

"Naaalala ko nung nabangga ko siya kahapon. May nakita akong rope at tsaka puro may plastic ang mga gamit niya. Diba kapag may pilak tayong dala ay nilalagay natin sa plastic? Baka gawa sa pilak yung laman nun" sabi niya.

"Tsaka dagdag mo pa yung bracelet ko" sabi ni luke.

Tumango kaming lahat.

"Ngayon, saan naman natin mahahanap yung leslie na yun?" Tanong ni zoelle. Yun na nga ang problema.

"Hindi kaya nakalabas na sila ng VU yun?" Sabi ni brent.

"Baka nga. Kasi buong VU wala sila. Baka nga nakalabas na yung mga yun" sabi ko.

"Malapit nang maggabi. Tara na" sabay sabay kaming tumayo at lumabas ng VU.

Misty POV

Nang pablik na ako sa cupcake booth, may biglang tumurok sa braso ko.

"Araaaaay!!!" Bigla akong nanghina at nawalan ng malay.

***

Nagising ako at nakita ko si Faith sa harap ko.

"F-faith..." hanggang ngayon ay nanghihina ako.
Nakatali siya sa may sulok at walang malay. Ang dami niyang sugat.

Biglang tumulo ang luha ko. Bakit nadamay si faith dito?

Nasaan ba kami???

Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makita dahil madilim. Hindi ko maaninag ang lugar.

"Aaraay..." gumalaw ako saglit at bigla kong nalaman na nakaposas ako at gawa pa ito sa pilak. Namumula na ang braso ko.

Bigla akong nakarinig ng yapak at nagpalit ang mata ko sa pula.

Nang makalapit siya sa akin ay nagulat ako.

"L-leslie......." sabi ko. Ngumisi lang siya.

"Diba sabi ko sayo gaganti ako sayo?"

𝗩𝗨Where stories live. Discover now