Chapter 4

14.7K 472 11
                                    

Chapter 4 : First day at Vampiral University

Misty POV

Nandito na ako sa Vampiral University. Nakakatawa ngang isipin kasi Yung pangalan ng university ay parang Vampire.

Marami na rin akong nakikita na mga estudyanteng pumapasok. Grabe lang, wala pa akong nakikita na panget. Baka ako lang ang special student dito. May nakikita rin akong magagandang sasakyan. Mayayaman ang mga tao dito ah! Nahiya naman ako sa kanila. Ako lang ata ang naglalakad.

Nang makapasok na ako, pumunta muna ako sa third floor para pumunta sa kwarto. Nang makapasok ako sa elevator, may nakita akong isang babae. Ang cute niya!

"Thanks for the compliment" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalamang cute siya?

"Nababasa ko ang isipan mo" sabi niya. Grabe ang cute niya talaga! Ano kayang pangalan niya?

"Im Prudence"

"Hehe Im Misty" sabi ko nalang. Talagang binabasa niya yung isipan ko.

"Anong room mo?" tanong niya.

"Room 342"

"Really?!! Room 341 ako"

"Katabi lang pala kita ng kwarto" ngumiti siya sa akin at lumabas na ng elevator. Sinundan ko nalang siya.

Nang makarating na ako sa kwarto ko, May nakita akong sticky note sa pinto. Binasa ko iyon.

Ms. Lewis,

I'm not in the office. Just go to the 5th floor at the black door. That is your classroom.

-Ma'am Natalia

Ano ba yan! pati ba naman sulat ni Ma'am ang ganda. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Prudence.

"What color is your door?" tanong niya sa akin.

"Black" sabi ko. Lumapad ang ngiti niya.

"Same. Sabay na tayo pumunta" sabi niya habang hila hila niya ako.

Nang makarating na kami sa fifth floor, Ang dami kong nakitang iba't ibang kulay ng pinto. Mabuti nalang malapit lang yung black door sa elevator.

Pumasok na kami sa loob ng classroom. Napanganga ako sa classroom namin. Talaga bang classroom to?

"Yup! nakasanayan ko na yan. Kaya masanay ka na dahil sosyal dito" sabi niya. Pumunta kami sa pinakalikod. Grabe, yung upuan namin ang lambot. Tapos mahaba yung table. Good for three ata ito.

Tapos may kung ano ano pa ang nandito. May TV, Ref, tapos may locker pa.

Napansin kong ang daming nagtitinginan sa akin. Tinignan ko sila isa isa. Ako lang ang kakaiba sa kanila. Nakasalamin kasi ako tapos sila wala.

"Tanggalin mo yung glasses mo para hindi ka nila tignan ng ganun" bulong ni Prudence sa akin. Paano na yan? malabo talaga yung mata ko.

"Wear contact lens" hindi talaga niya tinatantanan yung isip ko.

"Its fun Misty! try to me" Huh? hindi ko nga alam kung paano.

"What? you dont know how to read minds?" sabi niya.

"Hindi kasi ako nagbabasa ng isip. Sabi ng iba, masama yun dahil doon nalang nila maitatago ang gusto nila tapos babasahin lang nila"

"Ohh okay. Hindi ko na babasahin ang isip mo" sabi niya. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nagbabasa ng isip. Ewan ko ba kung paano magbasa. Napansin kong hindi na nagsasalita si Prudence. Hindi na niya talaga binasa ang isip ko. Mabuti nalang.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now