Chapter 5

12.8K 461 6
                                    

Chapter 5 : The truth

Misty POV

Habang kumakain kami, iisipin ko na ang lahat ng itatanong ko kay Prudence.

"Ano ba ang itatanong mo sa akin?"

"Kasi may napansin akong weird sa school na ito. Una sa lahat, mukhang hotel tong school na ito. Pangalawa, kakaiba ang mga gamit dito. Pangatlo, nung nakausap ko si Ma'am Natalia, Aleister at ikaw, binabasa niyo ang isip ko. Pang apat, Yung doon sa nag aagawan ng notebook, biglang nawala yung hiwa nung lalaki kanina. At pang lima, ang misteryoso ng school na ito. Ang tanong, Ano ba talaga tong school na ito?"

"Teka, bakit hindi mo alam yan?"

"Syempre transferee ako kaya wala pa akong kaalam alam"

"Ano ka ba?"

"Malamang tao" sarcastic kong sagot. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Bakit? masama bang maging sarkastiko?

"Tao ka??" kinilabutan ako sa tanong niya.

"B-bakit? a-ano ba k-kayo?" curious kong tanong.

"May sasabihin muna ako. Diba kung kaibigan kita, hindi ka nagpapahamak. Dahil may sinabi kang sikreto, may sasabihin din ako sayong isa"

"Ano yun?" bigla siyang lumapit sa tenga ko at binulong.

"Vampires kaming lahat" nanigas ako sa binulong niya. V-vampires? akala ko ba kathang isip lang yun. Totoo pala yun.

"O-okay. Basta hindi ka mangangagat" sabi ko.

"Of course hindi pwede! syempre kaibigan kita. Tsaka nakasanayan na namin na ang iniinom ay dugo ng hayop" Guminhawa naman ang pakiramdam ko sa sinabi niya. May mabait din palang bampira.

"Nga pala, doon sa tinanong mo sa akin, kay Young Master mo nalang itanong dahil siya ang mas nakakaalam niyan" nagpaalam muna ako sa kanya at hinanap si Young Master daw nila.

Nakita ko siya sa classroom? kanina pa ba siya dun? Nakita kong tulala siya habang nakaupo. Pumasok na ako sa loob pero hindi pa rin siya kumikibo.

Kumaway kaway pa ako para makita niya ako pero waepek. Sumigaw nalang ako.

"HUUUUYYY!!!!"

"AAAAAHHH!!!" sigaw niya. Magugulatin pala tong lalaking to.

"Hoy! kanina pa kita tinatawag pero wala ka sa sarili mo. Lutang ka nga eh!" sabi ko.

"Bakit ka ba nandito?" tanong niya sa akin.

"Kasi sabi ni Prudence, sayo daw ako magtanong ng tinatanong ko sa kanya" sabi ko.

"Ano naman ang tatanungin mo?"

"Bakit ba ang misteryoso ng school niyo? Ano bang meron dito sa school na ito at ito'y pinaka kakaiba sa lahat ng school?" tanong ko.

Matagal pa bago siya nakaimik pero nagsalita siya.

"Alam kong isa kang tao. Ikaw lang ang kakaiba sa school na ito. Binasa ko yung isip mo na alam mo na na bampira kami. Kaya ko nga palaging pinapasuot sayo yung bracelet na yan kasi yan ang proteksyon mo para hindi ka nila malaman na tao ka"

"Teka, alam mo ba kung bakit nailaw to?" kasi umiilaw nanaman siya. Siya lang ang nagpapa ilaw nito.

"Kasi ang nasa harap mo ngayon ay ang pinakamalakas na bampira. Kaya kong malaman kung tao ka o hindi. Pero sa lahat ng nakita ko, ikaw ang kakaiba. Kasi kahit malaman mo na bampira kami, okay lang sayo. Kaya pinayagan ka naming papasukin sa University na ito" Nanigas ako sa unang sinabi niya. Ibig sabihin siya yung pinakamalakas na bampira sa lahat ng bampira?

𝗩𝗨On viuen les histories. Descobreix ara