Chapter 32

7K 248 0
                                    

Chapter 32 : They Meet

Prudence POV

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Misty.

"Are you joking me? Alangan namang hindi ka si Misty. Anu yon may kakambal siya?" Sabi ko. Nakakunot lang ang noo niya.

"Sorry but Im not Misty. Im Megan Seige" sabi niya sabay walk out.

Agad agad akong nagmessage kay Zoe, Lei, Brent at kay Kuya Luke.

Guys! Pumunta kayo dito ASAP. Nakita ko si Misty sa may Restaurant.

Nang masend ko na ay tumakbo na ako at hinanap si Misty. Pero nilibot ko na ang buong restaurant ay wala na siya.

Hindi kaya namamalik mata lang ako?

Pero nakausap ko siya. Biglang nagvibrate ang phone ko at binasa ang mga messages nila.

Fr : Lei

Sige sige papunta na ako. Huwag kayong umalis dyan.

Naku! Akala niya ata kasama ko siya. Eh hindi nga niya ako makilala.

Binasa ko naman yung kay Zoe.

Fr : Zoe

WAAAAAHHH! EXCITED NA AKO! WAIT LANG PAPUNTA NA AKO!

Kahit talaga sa message niya ay ang hyper niya. Yun nga lang wala si misty.

Sunod ay yung kay Brent.

Fr : Brent

Really? Im going there

Hinahanap ko yung kay Kuya Luke pero wala akong nakita.

Himala! Kapag naghahanap ng update yan kay misty siya agad ang unang magrereply. Ngayon hindi na.

Ano kayang problema nun?

Nireplayan ko lahat.

Sorry guys. Hindi ko siya kasama. Ni hindi nga niya ako kilala eh. Nakaalis na siya. Hindi ko alam kung sino kasama niya.

Malungkot kong sinend ito.

Lumabas na ako at nilibot ang buong paligid malapit sa restaurant na ito. Nagbabakasakaling nandun pa siya.

Luke POV

"May iniibig ka ba sa Collin?" Patay! Tumungo ako at sinabi ang totoo. Hindi naman ako makakatakas sa kanya eh.

"Sorry po, ma" sabi ko.

"Akin na ang mga pera, cellphone at ang credit cards mo. You're grounded for 1 week" sabi niya nang ikinagulat ko.

"What the? Hindi mo pwedeng kunin to sa akin! Ito na nga lang ang paraan para maging updated ako sa kanila" galit kong sabi.

"Updated saan? Doon sa nawawalang babaeng yun? Diba I told you and your sister na huwag kayong tumulong sa mga dun? Dont tell me yun ang iniibig mo?" Sabi niya. Tumango ako.

"Ano, ibibigay mo sa akin ang mga yan o dadalhin ko sa peligro yung babaeng yun?"

"Alam mo kung nasaan si Misty?" Tanong ko.

"Nope. Ipapahanap ko siya at kapag nakita na siya, ipapapatay ko siya. Alam mo naman ang mga investigators natin, hahanap hanapin nila kung ano ang inutos ko" sabi niya. Binigay ko nalang sa kanya ang lahat ng gamit ko at pumasok sa loob ng kwarto ko.

May kumatok sa pinto at binuksan iyon.

"May pupuntahan lang ako. Make sure na hindi ka tatakas kundi alam mo na" sabi niya at sinara yung pinto.

𝗩𝗨Where stories live. Discover now