CHAPTER 1

5.1K 73 0
                                    

Chapter 1: Hello, Manila!

PORTIA SOLACE SEVIERRA

"JUST IN! Singer Yael Montano just finished his two-month-long world tour and is now back in his homeland, the Philippines. He plans to take rest for a while. Yael Montano is a young successful singer of his generation—"

Napatingin ako sa malaking screen. In-interview nila 'yung Yael na napapalibutan ng mga reporters. Nasa airport din ata siya. Infairness, ang pogi at ang bata pa pero ang successful na ng career. Aba, sana lahat young and successful. 

Hila-hila ko ang maletang dala habang naglalakad palabas ng Terminal. 

Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa Manila na ako. First time ko ring sumakay ng eroplano dahil isa lamang akong matalino at magandang dukha. Beauty and brain, check na check. Pera na lang ang kulang. 

"Hello, Manila!" sigaw ko na sobrang lakas. Tinaas ko pa ang mga kamay ko habang sumisigaw. 

Nakita ko pang nagtinginan ang iba sa akin pero wapakels lang. Natawa na lang ako sa sarili.

Pangarap ko ang mag-Manila kaya naman nung nabigyan ng oportunidad ay kinuha ko na. Minsan lang may dumating na oportunidad sa buhay kaya grab the chance habang nandiyan pa dahil kapag nawala, baka mag-cry cry ka sa isang tabi dahil pinakawalan mo pa. Iyan ang isa sa mga motto ni Portia Solace Sevierra, ang babaeng beauty and brain. Wealthy na lang ang kulang. Aanhin ko ang ganda at utak kung hindi ko naman mapapakinabangan para magkapera, 'di ba? Kaya kailangan nating maging resourceful. 

Sinubukan kong langhapin ang hangin pero naubo lang ako. Tama nga sila, polluted nga talaga ang hangin sa Manila. 

Hayaan na, basta ang mahalaga nasa Manila na ako. Matutupad ko na ang mga pangarap ko. Sana...

Ready na akong pumara ng bus para sumakay ng may marinig akong boses.

"Mommy?" Napalingon ako sa paligid. Sino 'yon? Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at napako ang tingin ko sa isang batang babaeng mukhang manika. Ang ganda ng bata. Siguro ang ganda ng magulang nito. Ang ganda ng lahi, e. 

Pero mukha ata siyang nawawala. Nakatayo lang siya mag-isa, may suot siyang maliit na backpack. Malapit siya sa akin, mukhang galing siya sa kahihintong bus.

Nagpalingon-lingon pa ako para hanapin ang kasama niya pero walang pumapansin sa bata. Nasaan na kaya ang magulang nito? Kawawa naman 'yung bata, baka mawala siya. Ang cute-cute niya pa naman.

"Mommy," bulong niya kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nakatitig siya sa akin kaya napaturo ako sa sarili. 

"Ako?" hindi ko mapigilang itanong. Baka nagkamali lang ako pero tokneneng ka. Tumango 'yung bata.

Nanlaki naman ang mata ko. Aba, wala pa nga akong boyfriend tapos may anak na ako? Ano 'yun? Nabuntis ba ako at nanganak ng hindi ko nalalaman? Hindi naman ako si Mama Mary. Pero at least siya, aware siya nung pinanganak niya si Papa Jesus. Ako, wala talaga akong maalala. Jusko po.

Nagpalingon-lingon ulit ako baka kasi may makarinig sa kaniya.

Nilapitan ko siya.

"Bata, hindi ako ang mommy mo. Nawawala ka ba? Halika, tutulungan kita," sambit ko sa kaniya pero umiling siya at bigla akong niyakap. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

Jusko po. Lord, promise. Hindi ko po talaga matandaan na nabuntis at nanganak ako ng isang cute at napakagandang batang ito.

Naramdaman kong umaangat ang balikat niya at narinig ko ang pag-singhot-singhot niya. Hinaplos ko naman ang likod niya. Baka natatakot lang talaga siya.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now