CHAPTER 13

2.3K 50 0
                                    

Chapter 13: Something's wrong

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nung magkaroon kami ng heart-to-heart talk ni Sir Yael. At pakiramdam ko mula nun ay medyo naging close na kami, slight. Kahit na mas naging busy siya dahil balita ko ay nag-sho-shoot na sila para sa upcoming album niya. 

Grabe nga, e. Bilib na ako sa kaniya, sa kanilang lahat na artist. Ilang buwan pala madalas ang nilalaan nila sa pag-gawa ng isang album tapos ilang minuto lang pag-pinlay o pinanood mo sa TV man o sa personal. Deserve nila mapalakpakan dahil hindi ito basta-bastang trabaho. Lahat naman ng trabaho ay dapat hindi binabasta-basta. Dahil lahat ng trabaho ay marangal at dapat ipinagmamalaki. 

Nakumbinsi ko rin pala siya na pag-aralin ang mga bata sa totoong paaralan bago siya umalis. Kahit pa nagkaroon ng pagtatalo noong una dahil nga sa tinatago niya sa media ang mga bata at pakiramdam ko ay I'm ovsertepping my limit na naman pero natuwa ako dahil nakuha niya ang punto kung bakit mas magandang mag normal schooling ang mga bata. 

Excited at tuwang-tuwa si Khaki nang sabihin ko ang balita, samantalang si Kaimeer naman ay walang reaksiyon. Sabagay, may school man o wala ay kaya niyang mag-aral mag-isa. Baka siya pa ang magturo sa teacher.

At ngayon ang kanilang first day kahit na matagal na nag-start ang klase. Gaya nang napagkasunduan, ang kambal ay pamangkin ni Kuya Kian, siya ang magsisilbing guardian ng mga bata kahit ako ang magbabantay sa mga ito. Pumayag naman sa set-up si Kuya. Apelyido ng Nanay nila ang gagamitin sa school. Khaki and Kaimeer Cooper. May ilang dokumento lang na nilakad tapos ay tinanggap na ang mga bata kahit late na sila. 

"I'm so excited na po! I'm gonna meet new friends there, 'di ba po?" hindi mapakaling tanong ni Khaki habang nasa sasakyan kami papuntang school nila. Hindi naman ganoon kalayo ang kanilang eskwelahan dahil ayaw ni Sir nang masiyadong malayo sa mansyon.

"Oo naman, Ki. Marami kang makikilala doon. Sigurado akong mag-e-enjoy kayo sa pag-aaral," nakangiting sagot ko rito. Natutuwa ako dahil kitang-kita ang pagka-excited sa kaniya. Nakasuot sila ng uniporme at maliit na back-pack. Inayusan ko talaga si Khaki dahil first day niya ito. 

"Tsk. Many noisy kids, I guess," usal ni Kai na nakaharap na naman sa iPad niya. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga ang batang ito.

Kung ano-ano pa ang mga tinanong ni Khaki bago kami makarating sa eskwelahan nila. Katulad ng kung tuturuan ba sila mag-pray doon, kung pwede rin ba silang maglaro, kung may stars ba silang makukuha kapag tama ang sagot nila katulad ng kinuwento ko sa kanila, and if mababait ba ang mga kaklase niya doon. Natatawa na lang ako dahil hindi talaga halatang excited siya.

Sa isang private school sa labas ng subdivision namin sila in-enroll sa unang baitang. Gusto ko nga sana ipagpilitan na sa public school para mas marami silang matutunan at mas masaya ang maging school life nila kaso hindi ko na ginawa dahil hindi naman ako magulang ng mga bata. Alam ko pa rin naman ang limits ko. 

"O, mag-iingat kayo, ha? Huwag kakalimutang mag-enjoy. Hintayin niyo ako rito, susunduin ko kayo. At huwag kakalimutan ang secret natin," bilin ko sa dalawa. Tumango lamang sila. Hindi ko alam kung bakit ako naluluha kaya naman lumuhod ako at niyakap ang dalawang bata. 

Dinaig ko pa ang Nanay nila. Masaya lang ako kasi paunti-unti, nagiging normal na ang buhay nila pero hindi pa rin nababawasan ang pag-iingat. Darating din ang oras na pwede na nilang sabihin kung sino talaga ang parents nila.

Bumitaw din ako agad at tinignan ang dalawa. 

"Ki, huwag pupunta at sasama kung kani-kanino, ha? Huwag kang aalis na hindi kasama ang Kuya, ha?" bilin ko kay Khaki na nakangiting tumango bago tumingin sa paligid. Napakaligalig talaga ng batang 'to. Kabaliktaran ng Kuya niya. Tumingin ako sa isa na bagot na nagmamasid sa paligid.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now