CHAPTER 15

2.2K 58 0
                                    

Chapter 15: Cookies

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Hindi ko tuloy alam kung bakit hindi ako pinatulog nung nangyari kagabi. Paulit-ulit kong naririnig 'yung mga katagang 'yon.

"Love."

Hindi nga ako sigurado kung tama ba ang narinig ko. At kung para ba sa akin 'yon.

Pero bakit kasi ganun siya makatitig sa akin? Parang lumulusot sa kaluluwa ko. Sobrang lalim.

Naalala ko tuloy kung paano ko sila nakilala. May batang tumawag sa akin ng, 'Mommy.'

Kamukha ko ba talaga ang dati niyang asawa? Kamukha ko ba talaga si Ma'am Kaila? Hindi ko pa kasi nakikita ang picture niya kaya hindi ko masabi kung kamukha ko ba talaga.

Wala kaming lahing kambal kaya impossibleng kambal kami na nagkahiwalay noong bata pa. Hindi rin ako naniniwala sa doppelganger, clone, ghostly double o ano pa mang tawag doon. Pero ngayon, hindi ko maiwasang mapaisip. Totoo kayang may kamukha kang tao kahit hindi mo siya kadugo? Edi ibig sabihin nun hindi totoo 'yung sinasabi nilang nag-iisa ka lang sa mundo?

Nawala ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto at bigla itong bumukas. Pumasok ang dalawang tao. Hila-hila ni Khaki si Kaimeer na mukhang labag sa loob ang pagsama dahil sa busangot nitong mukha. Naistorbo na naman siguro ang panonood niya.

"Ate Portia!!" Bumangon ako sa pagkakahiga sa maliit kong kama at tumingin sa kanila.

Day off ko ngayon. Out of the blue akong binigyan ni Sir ng day off. Kaso wala naman akong gustong puntahan kaya ang balak ko sana ay matulog na lang.

"Bakit, Ki?" Lumapit ito sa akin habang hila ang kapatid. Umupo si Kaimeer sa dulo ng kama ko. Sumampa si Khaki sa kama at gumapang palapit sa akin.

"Can you help me po?" malambing nitong sambit at yumakap pa sa akin. Para siyang pusang nanlalambing dahil may kailangan.

Hinaplos ko ang buhok niya. "Oo naman, ano 'yon?"

"Uhmm. I want to bake for my new friends po," she said shyly. Aww, ang sweet nitong batang 'to. Kanino kaya nagmana 'to? Siguradong hindi kay Sir. Joke lang, baka itapon ako nun sa dagat.

"They're gonna come here po later. Dad approved it na po and he's not here naman po kasi may important lakad po siya. He said that baka gabihin po siya so it's okay lang daw po. Sa kitchen at sa garden lang naman po kami," dagdag niya pa. Napatango-tango naman ako.

"Iyong kinukwento mong mga bata? Shiela at Feliz tama ba?" tanong ko na tinanguhan niya naman. Iyon kasi 'yung mga lagi niyang kunukwentong mga bata.

Narinig ko ang mahinang disgusto ni Kaimeer kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit, Kai? May problema ba?" tanong ko sa kaniya at sumimangot siya bago umiling. Nakarinig ako ng mahinang bungisngis kaya bumalik ang tingin ko kay Khaki na bumubungisngis.

"Ano meron, Ki?" tanong ko na nagsisimula nang ma-curious.

"Kasi po, Kuya hate Feliz. She's so maingay po kasi and makulit kaya they always quarrel with each other po. Like you and Dad," paliwanag niya at tumawa pa. Grabe 'tong batang 'to, pagtawanan ba naman ang pag-aaway namin ng Tatay niya.

Bumaling ulit ako kay Kaimeer na ang sama na ng mukha.

"Hay naku, tara na nga. Anong oras ba darating ang mga kaibigan mo, Ki?" tanong ko at tumayo na. Sumunod naman sa akin ang dalawa.

Pagkarating ko sa kusina ay nandoon na ang mga bagong pinamiling baking ingredients para sa gusto niyang i-bake na cookies.

"Sinong bumili?" tanong ko kay Khaki.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now