CHAPTER 31

2.3K 49 0
                                    

Chapter 31: Courting

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Tatlong buwan mahigit na ang nakalipas ng magkita kami sa puntod ni Tatay. Hinatid niya kami pauwi nang araw na iyon. Pinagpilitan niya kaya hindi na rin ako umangal pa. 

Hindi ko na rin naitanggi ang sinabi niya. Kamukha niya ang anak ko, maitatanggi ko pa bang kaniya ito?

"Nandito na naman 'yan." Napalingon ako kay Tito Joseph sa sinabi niya. Nakasilip siya sa malaki at bukas naming bintana rito sa sala at may nginunguso siya sa baba. Sumimsim ito sa tasa nang kape na hawak habang nakatingin pa rin sa baba. Naisipan niya raw kasing dumalaw dito bago pumuntang hospital, along the way daw kasi. Magkakape lang naman. Isang tanyag na doktor pero hindi afford mag-Starbucks. Isa siyang dakilang kuripot.

Tumayo ako at tumabi sa kaniya. Tinignan ko ang tinitignan niya. 

Napakunot ang noo ko sa nakita.

Sa labas ng aming bahay ay isang itim na sasakyan habang may lalaking naka-puting polo at slacks na itim ang nakatayo sa gilid nito. Bagsak ang buhok nito kaya mukha siyang inosente at hindi masungit.

Malaki rin ang pagkakangiti niya ng makitang nakasilip ako.

"Hi!" Kaway niya at itinaas ang hawak na paper bag. Tingin ko ay pagkain ang laman nito. 

Inismidan ko siya at bumalik sa pagkakaupo sa lamesa. Sinubuan kong muli ang anak. 

"Hindi mo man lang ba papapasukin 'yon?" Hindi ko pinansin si Tito at nagkunwaring walang narinig. 

Nakilala niya kasi si Yael noong hinatid kami nito. Nandito kasi sila nila Tito noon. Gusto raw kami makasamang mag-dinner. 

"Bad, baby girl," rinig ko pang sambit niya. 

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Nilapag niya ang tasa sa lamesa at nilingon ang anak kong naglalaro ng binigay nitong laruan. Umupo siya para pumantay dito.

"Seb, baby, Tito's gonna go now." Ayaw nila magpatawag na Lolo, kahit kay Sabrina, anak ni Peter ay Tito ang tinatawag sa kanila. Masiyado raw kasing nakakatanda.

My son looked at him and smiled. Itinabi nito ang laruan at hinarap siya. Inikot niya ang dalawang maliit na braso sa leeg nito at nagsalita sa tainga nito. "Tek care, Yito." 

Malaki naman ang ngiti ni Tito Joseph at hinalikan ang noo ng anak ko bago tumingin sa akin. "Your son is so sweet. Gumaya ka nga rito, baby girl."

Nginusuan ko lang siya kaya naman bumitaw na ito at hinayaang maglaro ang anak ko. Tumayo siya at ginulo ang buhok ko. 

"Huwag masiyadong matigas, baby girl... Mauna na ako. Bye, pamangz." Napailing ako ako kay Tito. Kung hindi ko lang alam na may asawa't anak na siya ay pagkakamalan ko siyang bading. Minsan kasi hindi mo malaman kung saan niya nakukuha ang mga pinagsasabi niya. 

Siya ang pinakabunsong lalaki sa kanilang tatlo. Panganay si Tito Eric, tapos si Tito Fernando at siya. Siya ang pinakakasundo ko kasi ang bilis niyang pakalagayan ng loob. Si Tito Eric ay may pagkamasungit pero mabait naman siya. Madalang nga lang ngumiti. Si Tito Fernando naman ang pinakamabait. At si Tito Joseph ang pinakaloko-loko. 

Sinundan ko si Tito nang tingin pababa ng hagdan. Narinig ko ang pagbukas ng gate at pagsara nito. Maya-maya pa ay may narinig akong  yabag papaakyat. 

May nakalimutan kaya si Tito? Napailing ako sa naisip. Ilang beses na kasi nangyari 'to. Binalik ko ang tingin sa pagkain. Tapos ko na pakainin ang anak ko kaya ako naman ang kakain.

"Tito, may nakalimutan ka na naman ano?" Wala akong sagot na narinig. 

"Ah, your Uncle let me in." Napatigil ako sa pagsubo at nilingon ang taong nagsalita. 

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now