CHAPTER 18

2.1K 56 0
                                    

Chapter 18: Visitor

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Buti na lang at sumakto ng sabado ang kaarawan ng mga bata dahil ayaw din nilang um-absent. Mga mabubuting estudyante. Mukhang na-e-enjoy kasi nila ang pag-aaral.  

Sinabi rin ni Sir Yael kagabi na may mga kasama siya rito mamaya, mga kaibigan niya. Gusto niyang ipakilala ang mga bata. Natuwa naman ang kambal nung sinabi ko iyon sa kanila, kahit ako ay na-excite din. Ayon kasi kay Manang, ito ang first time na ipapakilala ni Sir Yael ang mga bata sa mga kaibigan nito. Nakakatuwa tuloy. 

Unti-unti, kikilalanin din ang mga bata. Masasabi rin nila kung sino ang Tatay nila ng hindi natatakot na baka ikasira ito ng career niya. Mailalbas niya rin ang mga bata sa kung saan-saan. Hindi na kailangan itago. 

Maliit na salo-salo lang ang inihanda namin. Wala namang reklamo ang mga bata rito. Kakaunti lang din ang imbitado dahil nga iniiwasan na makuha ang atensyon ng media. 

Si Shiela at Feliz lang din ang naimbitahan sa mga kaklase nila. Tinanong ko nga kung wala bang kaibigan si Kaimeer, sabi ni Khaki he's masungit daw so ayaw sa kaniya ng boys. 

"Wow! Ang ganda mo, Ki," puri ko sa bata nang matapos kong ipa-suot sa kaniya ang kaniyang simpleng blue dress. Hindi ito gano'n kahaba at sakto lang sa tangkad niya. Actually, matangkad ang kambal para sa edad nila. Nagmana ata sa Tatay. Tangkad ba naman nun, e. Nahiya ang 5'2 kong height.    

"Talaga po?" Tumango ako at umikot-ikot naman siya sa harap ko para ibida ang kaniyang dress. Natawa naman ako. Itinali ko ang kaniyang buhok niya into a hair crown braid kaya nagmukha siyang prinsesa. 

"Still ugly," singit ng kapatid. Nakabihis na rin ito ng simpleng polo at shorts. Ayaw niya pa nga suotin ang polo kasi he looks nerd daw kaya inasar siya ni Khaki na he is a nerd daw. Etong kambal na 'to. Gusto ko ngang ayusin ang buhok kaso ayaw niya naman. Naalala ko tuloy ang kapatid kong si Peter. Ayaw na ayaw din nun na hinahawakan o ginagalaw ang buhok niya. Ngayon, magiging Tatay na ang bunso ko. 

"Nerd," ganti nung isa, dumila pa sa Kuya. Kaya bago pa sila mag-asaran ulit ay pinigilan ko na. Parehong ayaw magpatalo ang dalawang 'to. 

Nasa labas na kami ngayon. Ang kambal ay nakaupo sa gitna. Nandoon na rin ang dalawang kaibigan nila at mukhang nag-aasaran sila dahil busangot ang mukha ni Kaimeer. Pinagtutulungan ata ng tatlo. Napangiti at napailing na lang ako. Mga pasaway talaga.

Inilibot ko ang tingin. Kami-kami lang din ang tao rito. Pero kahit ganoon ay nakabihis naman sila kaya pati ako ay nag-ayos din kahit papaano. 

Inilugay ko lang ang natural na kulot kong buhok at nagsuot ng simpleng blusang puti. Buti nga at nadala ko ito. Ito ang huling regalo sa akin ni Tatay bago siya magkasakit. Kasya pa naman sa akin kaya ito na ang sinuot ko kaysa naman bumili pa ako ng bago. 

Katamtaman lang ang haba nito at medyo off shoulder siya kaya inilugay ko ang buhok para matakpan ang balikat ko. Hindi naman sa conservative, hindi lang sanay.

Sa garden gaganapin ang maliit na salo-salo. Mamaya pa ata ang dating nila Sir Yael. Sabagay, maaga pa naman. Mag-a-ala-sais  pa lang ng gabi.

"Shang! Halika ipapakilala kita sa apo ko." Napalingon ako sa tawag ni Manang. Nakaharap ito sa akin at may kausap na lalaking katamtaman lang ang tangkad. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha.

Nakangiti akong lumapit sa kanila. 

"Shang, ito ang apo ko. Dom, ito naman si Portia, taga-bantay ng mga bata." Napatingin naman ako sa apo ni Manang at ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko ng mamukhaan 'yung lalaki. 

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now