CHAPTER 10

2.3K 56 0
                                    

Chapter 10: Picnic

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Simula nung nangyaring insidente ay tinatak ko na sa isip ko na dapat akong umakto sa kung ano ba talaga ang papel ko sa bahay na ito. Taga-bantay ng mga bata. 

Kailangan pati ang sasabihin ko ay umaakto sa papel ko.

"Tita Portia? Can we play in the park po?" Napalingon ako kay Khaki na nakasilip sa bukana ng kusina. Nagluluto kasi ako ng pancit bihon para sa meryenda nila. 

"Sure, Ki. Tapusin ko lang ito, ha. Tapos magbaon tayo at para may kakainin kayo kapag napagod kayo." Nakita ko siyang tumango bago lumapit sa akin. 

"What are you cooking po? Can I help po?" Pumatong siya sa upuan at sinubukang silipin ang niluluto ko. 

"Ingat Ki, baka mahulog ka," sambit ko at binalingan ulit ang niluluto. Hinahalo-halo ko na ang pancit gamit ang dalawang sandok na malaki. Dinamihan ko na kasi ang luto dahil nandito si Kuya Amer, 'yung on-call na driver, para may maiuwi siya sa mga anak niya. 

"Bukas na lang, Ki. Magluluto ako ng turon, tulungan niyo ako." Nakangiting pahayag ko at nilingon siya na masayang tumatango kaya bahagyang umuga 'yung upuan na pinapatungan niya. 

"Ki, baba ka na. Baka mahulog ka. Matatapos na rin ako, pa-pack ko lang 'to. Hintayin niyo na lang ako sa garden." Bumaba naman siya at masayang tumakbo palabas ng kusina habang tinatawag ang Kuya niya. Sigurado akong pipilitin niya na naman ang Kuya niya para bukas. Well, her brother can't say no to her neither her father. Wala naman talagang makaka-hindi kay Khaki. Napaka-amo ng mga mata. 

Tinikman ko ang nilutong pancit kung sakto na ba ang pagkakaluto ko at nang makontento ay tinigil ko na ang paghahalo at pinatay ang gas stove. 

Kumuha ako ng mga lalagyan at inihanda ito. Tinignan ko rin sa ref kung may pwede pa ba akong dalhin. Nakita kong may mga tsokolate pang natira at mga prutas kaya kumuha na rin ako at nilagay ito sa lagayan. Pati inumin ay kumuha na rin ako. Ang paboritong orange juice ni Khaki at ang vanilla ni Kaimeer. Naglagay na rin ako ng tubig sa tumbler para kung sakaling trip nilang mag-tubig ay may dala ako.

Inilagay ko ang mga tupperware sa isang basket na nakita ko. Para pala kaming magpipicnic nito. Nagbao din ako ng mga towel nila dahil baka pagpawisan ang mga bata.

Pumunta ako saglit sa kwarto para magsuklay at ayusin ang mukha dahil nakakahiya kung mukha akong haggard. Bumalik ako ng kusina at binitbit ang basket bago lumabas ng bahay.

Nakita ko sila sa garden, magkatabing nakaupo ang kambal sa hammock chair. Katulad ng madalas gawin ng batang lalaki ay nakaharap na naman ito sa kaniyang iPad habang ang kapatid na babae ay inuugoy-ugoy ang paa. Habang ang kanilang Ama ay nakatayo medyo malayo sa kanila at may kausap ata sa telepono. 

Akala ko ay nakaalis na siya?

"Tita Portia!" Kaway sa akin ni Khaki. Bumaling tuloy ang tingin ko sa kaniya. Ang energetic talaga nitong batang 'to. Bumaba na siya sa upuan at sinalubong ako. 

Nakangiti akong lumapit sa mga bata. Hindi pinansin ang paglipat ng tingin sa akin ng kanilang Ama.

"Tara?" aya ko at hinawakan ang kamay ni Khaki gamit ang kaliwa kong kamay dahil hawak ko ang basket sa kanan. 

Magiliw na tumango ang isa at inaya na ang kapatid. 

"Wait." Kusang napahinto ang mga paa ko sa salitang 'yon. Nilingon namin siya at saktong baba niya ng kaniyang telepono. Sino kaya 'yon? Iniling ko ang ulo, wala ka na ro'n, Porta. Focus sa mga bata.

"Do you want to come, Dad?" masayang tanong ng batang babae, kahit ang kambal na lalaki ay makikitaan ng sabik sa mga mata habang nakatingin sa Ama. Tatlo kaming naghihintay ng sagot niya. 

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now