CHAPTER 28

2K 44 0
                                    

Chapter 28: News

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Tahimik akong nagwawalis ng aming maliit na bakuran nang tawagin ako ni Nanay mula sa loob.

"Portia!"

Dali-dali akong pumasok sa loob dala ang walis at dustpan.

"Bakit, Nay? Anong problema?" nag-aalalang tanong ko rito.

"Bakit walang kanin? Hindi ka ba nagsaing o wala nang bigas?" inis na tanong nito. Natampal ko naman ang noo. Kanina ang huling saing ng bigas na binili ko nakaraang linggo. Nakalimutan kong bumili agad.

"Pasensiya na, Nay. Nakalimutan ko pa lang bumili. Sandali lang po, itatakbo ko lang sa tindahan," sambit ko ngunit tumayo na ito.

"Huwag na! Wala na akong gana," iritang hayag niyo at pinaningkitan ako ng mata. "At ikaw, kailan ka ba babalik ng Maynila, ha? Siguro tinanggal ka na sa trabaho mo 'no? Dinadahilan mo lang 'yang bakasyon bakasyon na 'yan. Sinong bobong amo ang pagbabakasyunin ka ng dalawang buwan?"

Hindi ko na lang sinagot ang singhal ni Nanay. Kumuha ako ng singkwenta sa pitaka ko at lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa tindahan ni Manang Iska.

"Pabili po!" sigaw ko dahil medyo mahina ang pandinig ni Manang Iska. Siya kasi ang madalas na bantay ng kanilang tindahan. Hindi ko nga maintindihan dahil nandiyan naman ang mga apo pero ang tatamad.

"Oh, Shang. Ano iyo?" Ngumiti ako sa ginang at inabot ang pera.

"Nang, isang kilong bigas po." Tinakalan naman niya ako agad at pinagbalot. Inabot niya sa akin ang plastic ng bigas.

"Tumataba ka ata, Shang. Ganiyan ba kapag galing Maynila?" Tinawanan ko na lang ito at piniling huwag sagutin. Hahaba pa kasi ang usapan kapag sinagot ko siya.

Bumalik agad ako ng bahay. Wala na roon si Nanay kaya agad na akong nagsaing. Si Tatay ay natutulog pa, si Peter naman ay nasa school at ang asawa ay namamahinga rin sa kabilang kwarto. Dalawang maliit na kwarto lamang ang mayroon kami kaya sa nakalipas na dalawang buwan, sa maliit na sofa ako natutulog. Si Nanay naman ay madalas nandoon sa kaniyang mga kaibigan.

Nagluto na rin ako ng tanghalian namin. Tuyo lang ang niluto ko dahil parang nag-ke-crave ako nito. Sinamahan ko ng kamatis na may sibuyas at toyo.

Saktong tapos ko magluto ng lumabas si Tatay sa kwarto.

"Tay, halika na. Kain tayo." Nakangiting wika ko rito at sinuklian niya naman ito ng ngiti bago ako dinaluhan sa mesa.

Si Ani ay hindi ko na ginising dahil paniguradong nagpapahinga iyon. Pitong buwan na kasi ang pagbubuntis niya kaya madalas ay masakit ang likod nito at mabilis mahapo. Isa pang factor na bata pa siya kaya mas doble ingat.

"Pagkatapos kumain ay uminom na kayo ng gamot niyo, ha? May stock pa naman kayo, 'di ba, Tay? Bukas po ay pupunta akong bayan para bilhan kayo ng gamot," sambit ko sa gitna ng aming pagkain. Tumigil siya sa akmang pagsubo at tumingin sa akin. Pagkahiya ang makikita sa itsura nito.

"Anak, a-ayos lang ako," sagot nito at umubo. Napailing na lang ako.

"Huwag na matigas ang ulo, Tay."

Natapos ang aming pagkain at ako na rin ang naghugas. Pagkatapos kong maghugas ay naupo ako sa sofa. Pakiramdam ko bigla akong napagod. Wala naman akong masiyadong ginawa.

Siguro dahil lang sa pagkabusog. Kahit na madalas ko nang maramdaman ang ganito. Biglaang pagod, pagkahilo, lagi rin akong naiihi, tapos minsan biglang sasakit 'yung dede ko. Pakiramdam ko ay may simasabi sa akin ang katawan ko na hindi ko maintindihan.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now