CHAPTER 4

2.5K 59 0
                                    

Chapter 4: Contract

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Kakatapos lang namin kumain at agad na tumayo itong si Sungit bago tumingin sa akin.

"You know the way back to my study room, right?" Tumango naman ako. Hindi naman ako gano'n ka-tanga ano.

"Okay. Just come then after you unpacked your things." Magsasalita pa sana ako pero nakaalis na siya. Kita mo talaga 'yung lalaking 'yon. Sigurado ba siyang papayag ako sa gusto niya, ha? Lakas ng confidence, e. 

Nagsimula nang magligpit si Manang Klarisa, nalaman ko lang ang pangalan niya kanina. Si Kuya driver naman ay si Kian pala at mas matanda lang ito ng ilang taon doon kay Sungit. At tama nga ako, nasa early 30s pa lang siya. 

Tumayo na rin ako at tumulong sa pagligpit ng pinagkainan. Ang kambal ay umakyat na sa kanilang kwarto dahil may klase pa raw sila sabi ni Manang Klarisa.

"Ako na po ang maghuhugas," prisinta ko pagkarating namin sa kusina. 

"Pero pinapapunta po kayo ni Sir sa study room niya at aayusin niyo pa po ang mga gamit niyo. Ako na po rito." Inagaw niya sa akin ang hawak na baso. Umiling naman ako at inagaw ito pabalik.

"Mamaya na po ako mag-aayos ng gamit. Hindi pa naman po ako pumapayag sa gusto ng amo niyo, masiyado lang siyang advance." Natawa naman siya sa sinabi ko at hinayaan na ako dahil mukhang hindi ako magpapatalo. Talagang hindi.

Piniga ko na ang basahang ginamit ko pamunas ng lamesa at sinampay ito sa gilid ng lababo. Satisfied ako sa ginawa kong paghuhugas. Isa ito sa mga gawaing bahay na gustong-gusto ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ayaw ito ng iba. Paglalaba ang ayoko. 

Muntik na akong atakihin ng paglingon ko ay nakatayo siya at nakasandal sa counter ng kusina habang matiim na nakatingin sa akin.

"Didn't I tell you to come to my study room after you unpacked your things?" naka-crossed arms pa ito. 

"Bakit naman kita susundin? Sa pagkakatanda ko, hindi pa ako pumapayag sa gusto mo." Taas kilay kong sagot dito. Makapag-utos ba naman wagas.

"May sagot ka talaga sa lahat, ano?" Pinigilan kong huwag ngumiti. Iba talaga 'yung dating kapag nagtatagalog siya, parang ang lakas ng dating. 

Nasampal ko bigla 'yung sarili. Kita ko kung paano siya nagulat at na-weird-uhan sa ginawa ko. Kahit ako nagulat din, e. Kung ano-ano kasing iniisip ko.

"What are you doing?" takang tanong nito. Umiling ako.

"Secret, no clue. Ano na palang pag-uusapan natin?" Tinitigan niya na naman ako bago napailing at sinabing sundan ko siya. Sinundan ko na lang, baka mapikon na naman, e. 

"As I was saying earlier. I need you to work under me. And you have no other choice but to accept it." Diretsiyahang sambit nito pagkaupo sa upuan niya habang ako ay nakatayo lang.

Tinaasan ko na naman siya ng kilay. Ngayon ko lang siya nakilala pero isa lang ang masasabi ko, napaka-bossy niya talaga. 

"Bakit naman ako magtatrabaho sa 'yo? At paano mo nasabing wala akong choice?" taas kilay kong tanong dito. May kinuha siyang brown na folder sa lamesa niya at ibinigay ito sa akin.

"Gagawin ko rito?" takang tanong ko pero kinuha rin ito. Tinignan ko ang papel at binalik ang tingin sa kaniya.

Nakatingin siya sa akin na parang ang tanga ko para itanong pa 'yon.

"Try to eat it," bagot niyang sagot. Napanguso naman ako, upakan ko kaya 'to? Pilosopo, e.

"Funny." Irap ko sa kaniya. Ang init ng dugo sa akin, e.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now