CHAPTER 17

2.2K 53 0
                                    

Chapter 17: Call

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Mag-a-apat na buwan na akong nagtatrabaho rito pero ngayon ko lang nalaman na kaarawan na pala ng kambal bukas. Hindi ko man lang naisip itanong 'yon sa kanila. Ano ba naman 'yan, Portia? Binabantayan ko 'yung mga bata pero hindi ko man lang naisip alamin ang kaarawan nila.

Wala tuloy akong maisip na regalo sa kambal. Parang kaya na kasing bilhin ng Daddy nila ang lahat ng gustuhin nila. 

Ano kayang pwede kong ibigay? 

Cookies? Maraming oras ang kakainin.

Damit? Marami na sila nun.

Laruan? Hindi naman sila mahilig doon.

Books? Si Kaimeer lang ang may gusto nun. 

Wala talaga akong maisip. 

Hinanda ko na ang mga bata sa pagpasok dahil may klase sila ngayon. Mamaya ko na iisipin ang regalo ko sa kanila.

"Is something good happened, Ate Portia?" Khaki ask, kumakain sila ngayon ng breakfast. Wala ang Tatay nila dahil siguro sa trabaho. Sigurado naman akong bukas ay nandito 'yan, hindi niya naman siguro papalampasin ang kaarawan ng mga anak niya.

"Wala naman. Kaarawan niyo na kasi bukas, 'di ba? May gusto ba kayo?" tanong ko habang nilalagyan sila ulit ng kaunting kanin. Hindi naman sila nagreklamo kaya sigurado akong mauubos nila 'yon. Maaga pa naman para sa klase nila.

"Hmm. I want to watch a movie po sa movie theater!" masiglang sagot ni Khaki tapos biglang lumungkot ang mukha. Nakita ko ang pagluwag ng hawak niya sa kutsara't tinidor. Bahagyang pinaglaruan ang pagkain. 

"I haven't gone to a movie theater po kasi, There's no one to accompany us because Manang couldn't handle the coldness there po... While Daddy... Daddy can't accompany us either because he's busy with work and... and we don't want to tarnish his reputation..." may malungkot na ngiti sa kaniyang mukha nang sinabi niya iyon. Para namang dinurog ang puso ko sa sinabi niya. Ang bata niya pa pero mas nakakaintindi pa siya sa nakakarami.

Tinignan ko ang kambal niya na hinawakan ang kamay nito. Kaimeer held his sister's hand and smiled at her. It's like telling her it's okay. 

Ang bata pa nila pero sobrang understanding nila. They didn't even how to throw tantrums like what kids their age usually do. Hindi ko sila kailanman nakitang nag-inarte ng sobra-sobra sa Tatay nila. Kahit may pagkakataong medyo pasaway si Khaki.  

Nginitian ko naman sila. "Edi ako ang sasama sa inyo! After ng class niyo mamaya manonood tayo ng movie. Iyun na ang regalo ko sa inyo, ayos lang ba?" 

Kumislap na naman ang mga mata nila. Bilib din ako sa pagpapalaki sa kanila ng Tatay nila. Hindi sila maluhong mga bata. Hindi sila 'yung tipo ng batang gusto ng mga branded na damit, mga branded na laruan o kung ano pa. Just spend time with them. Iyon lang ang gusto nila. They know how to appreciate the little things. 

"Talaga po?" Napangiti ako sa mahinang tanong ni Kaimeer. Hindi niya pinakita kanina pero tingin ko ay iyon din ang gusto niya. 

"Yes naman! Kahit dalawang movie pa ang panoorin natin. Ipapaalam ko kayo sa Daddy niyo." Nakita ko ang mumunting ngiti ni Kaimeer at ang malaking ngiti ni Khaki. 

Buong byahe papuntang eskwelahan nila ay walang humpay ang pag-iisip nila kung anong movie ba ang papanoorin nila. Hindi sila makapag-decide. 

Sa totoo lang, ito rin ang unang beses na manonood ako ng movie sa movie theater dahil wala akong pera at panahon noon. Marami akong bagay na mas unahin kaysa ang manood ng movie. Ang mahal din kasi ng ticket. Ilang kilong bigas din 'yon. 

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now