CHAPTER 6

2.4K 64 0
                                    

Chapter 6: Flames

YAZER ELDRICH MONTANO

Honestly, I don't really have the reason to hire her because Khaki and Kaimeer can be handled by Manang Risa herself. And my kids aren't fond of being with other people, especially strangers. But when I saw how my daughter, Khaki, got sad when she was about to leave, it broke my heart. I didn't know that they missed their mother like this. I thought I was doing a good job of taking care of them. 

I know it's wrong of me to blackmail her or force her to take care of my kids, but this is the first time I saw them smile again genuinely after I told them what happened to their Mom. I can't bear to disappoint them again. 

She brings comfort to them just like her name gives, Solace.  

I smiled when I saw how their eyes lit up when Solace starts preparing the ingredients for cooking champorado like what she said yesterday. 

They even set an alarm to wake up early because they are excited about this. They want to help with cooking, even my son got persuaded by his twin sister. I witnessed their smile in their sleep last night and it's a beautiful sight to see. Their smiles are priceless. They are my everything and I'll do everything to give them what they want.

If they want her, I'll give it to them. 

For the time being. It's just for the time being. 

I'm sorry, Sol, but let me use you for the time being. They need your consolation. My kids need you.

***********

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Nakailang linggo na rin ako rito sa Montano Residence. Maayos naman ang stay ko dahil hindi naman mahirap bantayan ang dalawang bata kahit pa nalaman ko kay Manang Risa na ito ang unang beses na ang dalawang bata mismo ang kusang lumapit sa isang taong kagaya ko dahil mailap daw sila sa ibang tao. 

Si Sungit naman, madalang na ulit umuwi rito dahil busy daw ang schedule niya sabi ni Kuya Kian. 

Ang awkward talagang tawagin siya sa pangalan niya dahil hindi naman kami close. Hindi rin naman siya nagpapatawag na Sir. Nakasanayan ko na siyang tawaging sungit kaya bahala siya.

Nasabi ko na rin kila Tatay na may nahanap na akong trabaho. Hindi ko sinabi na anak ni Yael Montano ang binabantayan ko kasi nga hindi ko pwedeng ipagsabi 'yon. Nasa kasunduan namin 'yon. Kaya sinabi ko na lang na nagbabantay ako ng bata. Noong una ay nag-aalala pa siya pero sinabi ko na lang na hindi naman nasayang ang pinag-aralan ko at malaki rin ang sweldo. Sa huli, walang nagawa si Tatay at sinabing mag-iingat na lang ako rito. 

"Ate Portia, what are you doing po?" Napalingon ako kay Khaki na nasilip sa gilid ko. Nag-co-compute kasi ako dito sa dining dahil kailangan ko nang magpadala sa  probinsiya para sa gamot ni Tatay. Binigay na kasi sa akin ni Sungit last week, ang sweldo ko para sa buwang ito kahit ang aga pa masiyado. Pasalamat naman ako kahit papaano dahil saktong tumawag ang kapatid ko, paubos na raw ang gamot ni Tatay. 

Napangiti ako dahil natututo na itong gumamit ng po at opo. Matalino ang kambal kaya hindi sila mahirap turuan at bantayan. Mababait silang bata. 

"Nagbibilang ako, Ki. Magpapadala kasi ako sa pamilya ko," sagot ko habang nilalagyan isa-isa ang mga puting sobre at nilalagyan ito ng label. Pang gamot ni Tatay, pang bili nila ng pagkain, pang tuition ng kapatid ko, at pang emergency fund nila. May tatlong libo pang natira sa akin kaya nilagay ko 'yun sa sobre na may nakalagay na 'Savings.' Ito 'yung para sa akin, para sa pangarap ko. 

Nagulat nga ako dahil sobra ang ibinigay sa akin ni Sungit. Sabi niya I deserve it daw, kaya hindi ko na tinanggihan. Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya, 'di ba? 

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now