CHAPTER 33

2.2K 50 0
                                    

Chapter 33: The Visit

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Maaga akong nagising dahil bigla akong namahay. Sa guestroom kasi kami pinatulog. Gusto nga sana ni Yael na sa kwarto niya pero ayoko dahil hindi pa naman kami kasal.

Pero may nabuo na?

Sumimangot ako sa naisip. Kasalanan ko bang masiyado akong nalunod sa mga halik niya? Tsk. Kaya naman pala nakadalawa agad nung kinasal. Pro-player kasi.

Napailing na lang ako. Ang manyak ng utak ko.

Naisipan ko na lang na magluto sahil ang sabi naman sa akin ay gagala muna kami bago kami bibisita sa kaniya kaya naman kaysa bumili pa kami ng kakainin ay magluluto na lang ako. Tipid pa.

Nakangiti kong pinakealaman ang kusina. Wala namang pinagbago rito. Ganun pa rin ang itsura. Malinis, naka-ayos ang mga gamit sa kaniya-kaniyang lalagyan, maraming stock.

Pancake ang una kong niluto para kapag nagising na ang mga bata ay may makain sila agad. Napagdesisyunan ko ring simpleng pagkain lang ang lutuin. Madaling kainin at hindi mabigat dalhin.

"Good morning, baby." Napalingon ako sa nagsalita at nanlaki ang mga mata dahil bigla niya 'kong sinunggaban ng halik.

"Aray naman!" Nahampas ko kasi siya ng hawak na spatula.

Inirapan ko siya kahit na ramdam ko ang pagiging kamatis ng mga pisngi.

"You're blushing, babe." I felt his hands envelope my tiny waist kahit na nagluluto ako.

Sinusubukan ko siyang sikuhin paalis pero pinatong niya lang ang baba sa balikat ko.

"Alis, nagluluto ako," sambit ko at siniko siyang muli pero ramdam ko ang pag-iling niya.

"Nah-uh. I'll stay here."

True to his words, nakadikit nga siya sa akin hanggang sa matapos ako magluto at mag-ayos ng lamesa. Para siyang tuko na ayaw umalis sa likod ko. Natagalan tuloy ako sa pag-aayos.

Narinig ko na ang mga yabag pababa ng hagdan kaya naman siniko kong muli ang tuko sa likod ko.

"Nandiyan na sila. Umayos ka na." Akmang aalma pa siya ng sabihin kong, "kapag hindi ka bumitaw, hindi kita papakasalan."

Ngunguso-nguso itong bumitaw sa akin at umupo sa upuan niya.

Pinigilan ko na lamang matawa. Para siyang batang inagawan ng paboritong laruan.

Childish.

"Good morning, Tita Portia!" Khaki exclaimed, as energetic as before. Malapit na siyang magdalaga. Hinalikan ako nito sa pisngi bago naupo sa upuan.

Si Kaimeer naman ay ngumiti lang at humalik din sa pisngi ko.

Magpapatalo ba ang bunso ko?

"Moning, Mama!" Humalik din ito sa akin ng dalawang beses bago naupo sa tabi ng Ate at Kuya. Competitive ang bunso.

Medyo bulol pa ito pero nakakapagsalita na at nakakaintindi na kahit papaano. Mas advance nga ang communication skills niya kumpara sa ibang bata. Kailangan ko pa bang banggitin kung kanino nagmana?

"Ako rin!" singit ng isa sa gilid kaya naman hinarang ko agad ang palad.

"Damot."

Natawa na lang kami. Masaya kaming kumain ng agahan. Kami lang ang tao ngayon, umalis din kasi sila Manang kagabi. Pati ang tagalinis nila na kada linggo lang ang punta ay sinabihan munang huwag pumunta dahil gusto ng lalaki na mag-bonding muna kaming lima.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now