CHAPTER 32

2.2K 47 0
                                    

Chapter 32: Letter

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Dalawa kaming nakaupo ngayon sa harap ng mga Tito ko. Nagpaalam na kasi 'yung dalawa na may gagawin pa raw, inistorbo lang talaga sila nitong isa para samahan siyang mangharana. Sabi pa ni Pierce, ang corny na raw ni Yael. 

Nilingon ko ang katabi at nangunot ang noo ko nang makita ang pamamawis ng kaniyang kamay na kaniya nang inilapag sa kaniyang hita.

"Kinakabahan ka ba?" hindi ko mapigilang ibulong. Bahagya itong lumingon sa akin at marahang tumango. 

"Your uncles look scary. Especially that one on the right side." Binaling ko ang tingin sa mga tiyuhin at nakitang si Tito Eric ang tinutukoy niya. Si Tito kasi ang nasa pinakadulong bahagi sa kanan. 

Napangisi ako at nilingon siya. "Nangangain 'yan ng buhay kaya umayos ka."

Kita ko ang biglaang pagtuwid ng upo niya at ang paghigpit ng kapit niya sa kaniyang hita. 

Natawa tuloy ako. Tense na tense ang Kuya mo. Ngayon ko lang siya nakitang kabahan ng ganito. Hindi mo malaman kung natatae ba o ano, e

"What's your name?" singit ni Tito Eric. Natigil ang pagtawa ko at tumikhim upang bumalik sa pagseseryoso.

Pero, what's your name? Ano 'to? Job interview?

Sasabat na sana ako kaso sumagot siya.

"Yazer Eldrich Montano, Sir."

"How old are you?"

"32, Sir."

"Oh, 8 years gap," Tito Joseph side commented. Napailing ako sa kaniya at binalik ang tingin sa dalawang seryosong nagtititigan.

Hindi ako makasingit kasi parang silang dalawa lang ang nag-e-exist sa sala na ito ngayon. Baka magkatuluyan pa 'tong dalawa.

"What's your job? Your source of income?"

"I'm a former music artist under OC agency, but I decided to retire and take a rest. I'm planning on having a business right now and I'm still researching what business would it be. But as of now, my source of income is my stocks and investments in the Buenavista-Salvatore Group of Companies, Sir."

Tumango-tango si Tito Eric sa sagot ni Yael. Siguro sa isip nito he can talk business with him. Tito Eric like engaging into business talk kaya nga madalas ay tinatakasan siya ni Tito Joseph dahil ang boring daw ng topic kapag siya ang kausap mo. Puro stocks, sales, investments, capital, labor, etc. Nakakadugo raw ng utak. Akala mo naman naiiba siya. Kapag kasi seryoso 'yang si Tito Joseph, gumagamit din siya ng mga medical terminologies. Kahit naman kasi kolokoy 'yan, magaling siyang plastic surgeon kaya lagi niya akong inaasar na ang panget ko raw at kailangan ko na magpa-plastic surgery. Nagtataka nga ako kung bakit pakiramdam ko ang dami niyang free time. 

Natahimik sila kaya naman pakiramdam ko mas kinabahan ako. Bakit kasi ganiyan si Tito?

"Kailan ang kasal?" pagbasag ni Tito Joseph sa katahimikan. 

"Just zipper your mouth, Joseph," malamig na wika naman ng panganay kong tiyuhin. 

Apat silang nakaupo sa harap namin ngayon. Tito Eric crossed his arms and legs, then the rest followed, even Tito Fernando na napailing dahil siniko siya ni Tito Joseph. Mga kalokohan talaga nito. 

"What's your real intention of pursuing our niece? And don't use your child as an excuse." diretsahang pahayag ni Tito Eric habang seryosong nakatingin kay Yael. 

Iginilid ko ang ulo upang makita ang mukha niya habang sumasagot. 

Sumeryoso ang mukha niya at mas naging determinado. He glanced in my direction before looking back at my uncles who are waiting for his answer.  

Forced to Conceal (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang