CHAPTER 7

2.3K 59 0
                                    

Chapter 7: Crush

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Dalawang araw, limang oras, apat na pung minuto at tatlong segundo na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako nung pesteng flames na 'yun. 

Hindi ko rin alam kung bakit ko ba pinoproblema 'yun. 

Nakasimangot kong hinahalo ang ginataang bilo-bilong niluluto ko. Meryenda na kasi ng mga bata. 

"Bakit naman ganiyan ang itsura mo? Papanget lasa niyang niluluto mo." Lumingon ako sa kakapasok lang na si Manang Risa at napabuntong hininga. 

"Ano bang problema, Shang? Makabuntong hininga ka parang pasan mo ang mundo," dagdag pa ni Manang. 

"Hindi naman po. May bumabagabag lang po sa akin." Tinikman ko ang ginataang bilo-bilo at nang makontento sa lasa nito ay pinatay ko na ang gas stove. Nagsimula na akong maglagay ng niluto sa mga mangkok.

"E, bakit ganiyan ang mukha mo? Tungkol ba saan 'yan, Shang? Nahihirapan ka ba sa pagbabantay ng mga bata?" Umiling naman ako agad. Nilagay ko na sa tray ang mga mangkok, handa nang dalhin ito sa mga bata. 

Sumandal ako sa lamesa at tinignan si Manang na nag-aayos ng mga pinamili. Araw-araw ba silang namamalengke? Parang kahapon lang namalengke si Manang, a. 

"Kasi naman po, si Sung.. este si Sir Yael po," pagsisimula ko. Pinaglalaruan ko ang hawak na sandok. 

"Ano namang meron kay Eldrich?" tanong ni Manang kaya napatingin ako rito. Nakatingin na siya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.

"Iyong flames po," sagot ko pero napakunot lang ang noo ni Manang. 

"Apoy? Ano namang ginawa ni Eldrich sa apoy?" takang tanong ni Manang at mahihinuha ang pag-aalala sa boses nito. 

"Hindi po, Manang. Hindi po flames na apoy. Flames po na laro," pagpapaliwanag ko rito ngunit nakakunot pa rin ang noo niya.

"Naglaro siya ng apoy? Naku, 'yung batang 'yon. Hindi dapat nilalaro ang apoy dahil baka magkasunog tayo rito. Ang laki-laki niyo na, jusko. Pagsasabihan ko nga 'yon mamaya." Napakamot na lang ako sa ulo ko sa mga sinabi ni Manang at napabuntong hininga muli. 

"Una na po ako, Manang. Hatid ko lang meryenda ng mga bata, baka lumamig pa." Binitbit ko ang tray at palabas na sana ng kusina ng marinig ko ang pahabol ni Manang. 

"Huwag na kayong maglalaro ng apoy, ha? Baka gayahin kayo ng mga bata." 

Napailing na lang ako. Mali atang sinabi ko kay Manang ang tungkol sa flames na 'yun. Baka nga pagalitan niya si Sungit mamaya. Ewan, bahala na.

Dumiretso ako sa garden bitbit ang tray na may ginataang bilo-bilong. Naabutan ko ang kambal na naglalaro. Naghahabulan silang dalawa. Nakakatuwa silang pagmasdan. 

Nilapag ko ang tray sa lamesa bago tinawag ang dalawa.

"Kai! Ki! Tama na 'yan! Baka mapagod kayo. Magmeryenda muna kayo rito. Nagluto ako ng ginataang bilo-bilo," tawag ko sa kanila. Agad naman silang huminto sa paglalaro at lumapit sa akin.

"Si Kuya kasi he's teasing me, Tita," sumbong ni Khaki ng makalapit sa akin. Umupo siya sa upuan at inabutan ko naman siya ng mangkok na may ginataang bilo-bilo.

"What me? I'm not teasing you. I'm just stating a fact, Sis," segunda naman ng kambal. Umupo na rin siya sa tabi ng kambal kaya inabutan ko rin siya ng kaniya.

Napailing na lang ako sa dalawa. Nagsimula na silang kumain.

"Ano ba kasing sinabi mo, Kai?" tanong ko at naupo sa tapat nila habang pinagmamasdan silang kumain. 

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now