CHAPTER 30

2.1K 62 0
                                    

Chapter 30: He's mine

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Tatlong taon na simula nang umalis kami sa lugar na 'to.

Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan habang inililibot ko ang tingin sa bahay kung saan ako lumaki. Ang mga masasaya at masasakit na alaala. Lalo na ang isa sa hinding-hindi ko makakalimutang alaala, ang nangyari tatlong taon ang nakalipas.

Isang buwan mahigit ang itinagal ni Tatay. Mula kasi nang respetuhin namin ang desisyon niya ay hindi na siya uminom ng mga gamot niya. Kaya mas lalong lumala ang pag-ubo at ang kapos hiningang nararamdaman niya.

Isa na siguro iyon sa pinakamasakit na bagay na pupwede mong makita buong buhay mo. Ang unti-unting pagbawi sa buhay ng iyong minamahal.

Hanggang sa isang umaga, pagpasok namin sa kwarto niya. Hindi na siya humihinga. Isang buwan at tuluyan nang kinuha ang buhay niya. Pero ang hindi ko maisip ay kung bakit tila ang payapa ng kaniyang mukha ng araw na iyon. Habang wala na siyang buhay na nakahiga sa kaniyang kama ay ang liwanag ng kaniyang mukha, mistulang payapa itong natutulog. Walang sakit, walang pagod, na makikita sa kaniyang nakapikit na mga mata.

Ang sakit. Iniwan niya na talaga kami.

Katulad ng kaniyang hiling ay inayos agad namin ang kaniyang libing.

Marami ang dumalo. Mga kapitbahay na nakasaksi sa kaniyang paghihirap. Mga kaibigan na naging karamay.

Pati ang babaeng kaniyang mahal na mahal.

"E-Emilo..." Iniwas ko ang tingin kay Nanay ng bigla siyang lumuhod sa harap ng kabaong ni Tatay. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tampo at kaunting galit sa kaniya. Ngayon lamang siya muling nagpakita. Wala siya sa huling sandali ng Tatay.

Tahimik siyang umiyak doon kaya naman hindi ko na rin maiwasang umiyak muli.

Ang Tatay ko... Wala na ang Tatay ko...

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na muling nagpakita si Nanay. Hindi na rin ako nag-abala pang hanapin siya.

Pagkalipas ng isang linggo mula nang ilibing si Tatay ay naging tahimik ako. Hindi rin ako masiyadong kumakain kaya pinapagalitan ako ng kapatid ko.

"A-Ate, sa tingin mo ba magiging masaya si Tatay kapag nakita ka niyang ganiyan? Masaya na siya, Ate. Masaya na si Tatay," sambit ng kapatid isang araw habang pinipilit akong kumain. Namuo na naman ang butil ng luha sa mga mata ko. Alam ko, ngunit hindi ko pa rin tanggap.

Pinilit ko ang sariling kumain ng araw na iyon at sa kwarto ni Tatay ako natulog.

Nagising kami kinaumagahan na may isang hindi kilalang lalaki sa tapat ng aming pinto.

Mula sa kaniyang tindig ay may kaya ito sa buhay. May sasakyan ding nakaparada sa tapat ng bahay kaya naman maraming usasero't usasera sa paligid.

"I'm Fernando Magno, older brother of your mother, Malia Magno," pakilala niya kaya kumunot naman ang noo ko rito.

"Wala pong naikukwento si Nanay tungkol sa inyo at wala po rito si Nanay. Hintayin niyo na lang po kung kailan siya babalik."

Ngayon ko lang naalala na, ni minsan ay hindi nagkwento ang Nanay tungkol sa sarili niyang pamilya. Wala kaming kilala na kahit sino mula sa kaniyang angkan.

"That's why I'm here. Binilin kayo ng Nanay niyo sa akin," sambit niya habang may ngiting tila napapantastikuhan siya sa isang bagay na hindi niya inaakalang mangyari.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now