CHAPTER 29

2K 47 0
                                    

Chapter 29: Death

PORTIA SOLACE SEVIERRA

After my sudden outburst, nagbago ang pakikitungo ni Nanay sa amin. Lagi na siyang tahimik, hindi na rin siya sumasabay sa amin sa pagkain at mas madalas ang paglabas niya.

Alam kong mali ang ginawa kong pagsumbat at pagsasalita sa kaniya ng ganun pero sana maintindihan niya kung saan ako nanggagaling.

Sinundan ko siya ng tingin ng lumabas siya ng bahay habang kumakain kami. Kakauwi niya lang at dumiretso siya sa kwarto tapos ngayon ay lalabas na siya ulit.

"Hayaan mo na muna si Nanay. Bawal kang ma-stress, Ate. Masama raw 'yon sa mga buntis." Nginitian ko si Peter ng bigyan niya ako ng pinggan na may kanin at ulam.

"Kain ka na, Ate. Huwag ka masiyadong mag-alala, ako ang bahala sa inyo." Kumindat pa ito sa akin. Inabot ko ang buhok niya at bahagyang ginulo ito.

"Ang kapatid ko, malaki na. Marunong nang bumanat." Tumawa lang ito.

Sa totoo lang natutuwa ako dahil nakikita ko kung paano maging responsable ang kapatid. Pagkagaling sa school ay magbibihis lang siya rito at ibibigay ang biniling pagkain para kay Ani at sa akin bago umalis at tumulong sa pangingisda nila Mang Konor.

Malaki na ang kapatid ko. At proud akong makita na maayos namin siyang napalaki.

Walang klase ang kapatid ko ngayon kaya naman tutulong daw siya doon sa palengke. Inasikaso niya lang kami dito at lumabas na.

Dahil nga hindi ako pupwede sa mga mabibigat na gawain ay napagpasyahan kong tumulong na lang sa paglalagay ng cotton sa teddy bear na ibinibente ni Ate Rosa sa kaniyang online business. Swerte nga ako at dinamihan ni Ate Rosa ang bigay.  Hindi pa naman ganun kalaki ang tiyan ko para walang gawin at tumunganga.

"Ano pong ginagawa niyo, Ate?" Napalingon ako kay Ani na umupo sa gilid ko. Nakaalalay ang kaniyang kamay sa kaniyang may kalakihan nang tiyan.

"Tinutulungan ko si Ate Rosa. Nabuburyo kasi ako at wala akong magawa. Sabi naman ni Ate Rosa ay lalakihan niya ang bigay sa akin kapag natapos ko itong lahat." Inilipat ko sa likod niya ang maliit na unan na sinasandalan ko kanina.

"Tulungan ko na po kayo."

Umiling ako at tumingin sa kaniya. "Huwag na. Magpahinga ka na lang."

"Puro pahinga na nga lang po ang ginawa ko rito. Hayaan niyo na po akong tulungan kayo," pakiusap niya kaya naman tumango na lang ako.

Tinuruan ko siya ng gagawin at mabilis niya naman itong nakuha.

Tahimik kaming gumagawa nang maisipan kong itanong sa kaniya ang matagal ko ng gustong itanong.

"Uhm... Kamusta ang pamilya mo?" Saglit siyang natigilan bago nagpakawala ng malalim na bunting hininga at tumingin sa akin ng may malungkot na ngiti.

"Hindi po nila matanggap. Gusto po nilang ipalaglag ko ang bata at ipadala akong states para daw po doon ako magtino. Maliit pa po ako ng iwan nila ako sa puder ng mayordoma namin," pagkukwento niya. Hindi ko alam ang isasagot kaya hindi na lang ako nagsalita.

"Pareho po kasing ma-ambisyon ang mga magulang ko. Pareho rin po silang may pamilya kaya po siguro lumaki akong naghahanap ng pagmamahal ng isang magulang." Naiiyak siyang tumingin sa akin at pakiramdam ko nahahawa ako.

"Pinaglaban ko po ang anak ko at itinakwil pa nila ako," bahagya siyang tumawa. "Inunahan ko na po sila. Hindi naman sila naging magulang sa akin, e."

"Pero hindi ka ba natatakot? Bata ka pa. Marami ka pang pwedeng maabot. Marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo. At delikado ang pagdadalang-tao sa iyo dahil menor de edad ka pa lang," hindi ko mapigilang itanong. Kita ko kung paano siya  bahagyang ngumiti.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now