CHAPTER 9

2.4K 55 0
                                    

Chapter 9: Washing Machine

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Naisip kong maglaba ngayon dahil wala naman akong gagawin at ayokong matambakan ng labahan. Rest day din kasi ata ni Sungit kaya nakikipag-bonding siya sa mga bata. Kaya libre ako buong araw. 

Ang aga pa naman, mag a-alas nwebe pa lang ng umaga kaya maglalaba muna ako bago ko sila ipagluluto. Gusto kasi ng mga bata ang luto ko, sinusuway ko nga 'yung mga 'yon minsan at baka magtampo sa kanila si Manang. 

Nagpunta ako sa laundry room nila bitbit ang basket ng marurumi kong damit. May dalawa silang high-tech na washing machine sa gilid pero mas gusto kong nilalabhan ng mano-mano ang mga damit ko. Sa ganoong paraan kasi ay hindi mabilis masisira ang tela ng mga damit ko at nasisiguro ko pang nalalabhan ito ng maayos. 

Ang laundry room nila ay may pinto papuntang labas kung saan pwede kang maglaba ng mano-mano. Dito rin kasi naglalaba si Manang minsan. 

Pinaghiwa-hiwalay ko muna ang mga puti kong damit sa de-color bago kinuha ang dalawang malaking palanggana. Nilagyan ko pareho ng tubig mula sa hose bago ko nilagyan ng ariel na powder ang isa at hinayaan lang ang isa. Pinabula ko ang palangganang may ariel bago inilagay ang mga puti ko rito. 

Kinuha ko sa gilid ng washing ang maliit na upuan bago nagsimulang maglaba. Una kong kinusot ang mga puti kasama na ang mga under garments ko. 

Hindi ko mapigilang mag-hum habang naglalaba. Hobby ko na ata ito basta gumagawa ako ng gawaing bahay. Para hindi ganoon ka boring at kahit papaano ay ma-enjoy ko kahit pa nakakapagod. 

Tahimik ang mundo kong nagkukusot ng panty ko ng biglang may sumulpot na kabute sa pintuan. 

"Why aren't you using the washing machine?" 

"Ay panty!" Naisigaw ko at napahawak sa dibdib kong hindi kalakihan pero may laman naman. 

Napatingin ako sa lalaking nakasilip sa pintuan. May dala siyang basket na sa tingin ko ay naglalaman din ng mga maruruming damit. Maglalaba ba siya? Marunong kaya siya?

"Uso magbigay babala bago manggulat." Irap ko rito at pinagpatuloy ang pagkukusot ko. 

"If I'll give you a warning, hindi ka na ba magugulat no'n?" pilosopong balik niya. Napaangat ang tingin ko sa kaniya at nakatingin lang siya sa mga labahin ko. 

"Piloposo. Mag-paikot ka na lang diyan kung 'yan ang pinunta mo. Matiwasay akong naglalaba rito, huwag mong sirain ang kapayapaan ko." Masungit kong saad at inirapan siya. Narinig ko pa ang pag-angil niya. Panis, sinasagot-sagot ko lang 'yung amo ko. Hindi niya naman siguro ako papalayasin ano? Unang beses pa lang naman naming nagkita nagsasagutan na naman talaga kami. 

"Pwede mo namang gamitin 'yung washing machine. Why make it hard?" tanong niya pa. Nag-angat ulit ako ng tingin at sinalubong ang tingin niya. 

"Anak mayaman ka siguro kaya hindi mo alam ang kaibahan ng labang kamay sa labang washing machine," sagot ko at nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. 

"What does my question have to do with how I was born?" 

"Kasi masiyado kang tiwala sa labang washing machine." Kibit balikat kong sagot. Natapos ko na ang mga puti kaya naman nilipat ko ang pwesto ng maliit kong upuan. Nakaharap na ito sa pangalawang batsa kung saan ko gagawin ang unang pagbabanlaw sa mga kinusot ko. Nakagilid ako sa pinto kaya kita kong hindi pa rin siya umaalis. 

"It helps our chores get easier done." Ayaw talaga patalo nito. Napabuntong hininga ako at binalik ang tingin sa kaniya. Hindi ata titigil 'to kung hindi ako gagamit ng washing machine pero dahil sa ako si Portia, hindi ako bibigay. Ipaglalaban ko ang gusto ko.

Forced to Conceal (COMPLETED)Where stories live. Discover now