CHAPTER 1

102 13 0
                                    

-STEPHANIE

As usual maingay na naman ang room namin kahit star section kami. Nagdidiriwang sila dahil hindi papasok ang terror naming teacher at nakakatakot na si Ma'am Pearl. Tingin pa lang niya ay masisindak ka na. Usap-usapan din kung sino ang may-ari ng University na ito since may nakapagsabi na kaedad lang daw namin ang may-ari tapos lalaki raw.

Iniisip kasi nila na guwapo na mala k-drama actors ang hitsura. Wala naman ako'ng pakialam kung sino 'yan basta ang mahalaga ay nag-aaral ako ng maayos. "Ano'ng nangyari riyan sa kamay mo?" tanong ni Wendy na kaibigan ko.

Katabi ko siya at pito kaming magbabarkada. Weekly girls ang tawag sa grupo namin dahil lahat ng first letter ng name namin ay first letter din ng days. Tiningnan ko ang tinuro niya at may pasa ito.

"Tinapon sa akin ni Mama ang iniinom niyang kape na mainit noong galit siya," sambit ko dahil sanay na ako sa mga ganiyan.

Sanay na ako sa mga ginagawa sa akin ni Mama and I just shrugged it off. Bihira lang din umuwi si Papa dahil sa mga kalandian niya kaya nag-aaway sila lagi ni Mama. Bakit hindi na lang sila mag-divorce kung ganiyan sila lagi? Mas pabor pa sa akin if mag-divorce sila. Mahal kasi masiyado ni Mama si Papa while si Papa ay hindi. Arrange marriage lang kasi nangyari sa kanila.

"Lagi na lang ganiyan ang buhay mo. Hindi ka ba nagsasawa?" tanong ni Maddison habang busy sa kaniyang cellphone pero nakikinig naman siya.

Wala ako'ng karapatan na magsawa at magreklamo dahil ako ang bunga ng pagkakamali ng nanay ko. Nalasing ang nanay at tatay ko kaya ako nagawa and my father got mad to my mother dahil akala niya plano 'yon ni  mama para magkaroon sila ng anak. Ever since I was born, my mother always blame me kung bakit hindi siya mahal ni papa.

Why would she love someone that treat her worthless?

"Hindi ako nagsasawa dahil sanay na ako," sagot ko sa kanila at inayos ang pagkakasout ko sa jacket ko para takpan 'yong pasa sa wrist ko.

I always envied my friends life because they are living peaceful and wonderful unlike my life is so full of darkness and mess. I wish I can leave this kind of life but I can't. I already adapt and trapped this kind of life.

"Sana magbago na 'yang mga magulang mo. Hindi na tama ang ginagawa nila. Nadadamay 'yong anak nila,"  komento naman ni Tanasha na nakatingin sa akin.

She is looking at me with her pity eyes. Nakaupo siya sa right side ko habang left side ko si Wendy kaya napapagitnaan nila ako. My friends really cares for me and I'd appreciate it a lot. They are the only one who accept me for who I am.

"We have a new mission," sabi ni Thrielle na kanina pa nakikinig sa usapan nila.

Mahina ang pagkakasabi niya dahil baka marinig sila ng mga kaklase nila kahit busy ang mga 'yon sa kakaingay. "Ano 'yon?" Flaire  asked since she is the one who is always excited when it comes to mission.

"Kailangan natin pumunta sa headquarters natin. Nandoon 'yong folder kung saan doon nakalagay ang mission natin," sagot ni Syrine habang nag-aayos ng kaniyang gamit sa bag.

Nasa Grade 12 HUMSS na kami at graduating kami. Sumali kami sa assassin na binubuo ng tita at tito ni Wendy. Sila ang nagbibigay sa amin ng misyon. Bata pa lang kami ay tinuruan na kami sa pagsasanay kung paano maging assassin.

Illegal ang ginagawa namin pero we are just doing what is right for us. Wala kasing kuwenta ang batas sa bansang ito kaya namin ito ginagawa. Walang alam ang parents ko sa ginagawa ko dahil wala rin naman silang pakialam sa akin. "Wala namang klase kaya pumunta na tayo sa headquarters," sabi ko at tumayo naman sila agad para sumunod.

GETTING CLOSERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora