CHAPTER 21

7 3 0
                                    

-STEPHANIE

Nakatanggap ako ng text mula kay Tita na wala na raw silang pera. Humihingi siya sa akin ng pera dahil malayo pa raw ang araw ng sahod nila. Babayaran naman niya raw dahil pambayad nila ng tubig, kuryente at mga kailangan nila.

Wala rin daw baon ang dalawa niyang anak. I mentally cursed dahil nakita ko lang noong isang araw ang dalawa niyang anak sa mamahaling restaurant. Ako nga na may pera ay nagtitipid tapos sila ay gastusera.

Tumunog na naman ang cellphone ko dahil tumatawag si Tita. Wala rito si Zafiro dahil may pinutunahan siya. Bukas na pala ang araw na ika-five days ng panliligaw niya. Sinagot ko ang tawag dahil kanina pa tumutunog.

“Hello, Tita.” Mahina kong bati sa kabilang linya.

May narinig akoʼng pagtikhim sa kabilang linya.

“Stephanie, ako ʼto si Tito Rick mo. Hiniram ko lang kay Tita mo ang cellphone niya,” bati ni Tito Rick.

Dinig ko sa kabilang linya ang boses ng dalawa niyang anak na may mga sinasabi sa kaniya. Alam ko talaga na hindi si Tita ʼyong nagte-text kasi bihira lang ʼyong maghingi.

“Ano pong sasabihin nʼyo?” tanong ko kahit alam ko na ang kailangan niya.

“Hihingi sana ako ng pera para sa dalawa kong anak. Saka pambayad na rin namin sa tubig, kuryente at rent ng bahay. Wala na ring kaming bigas at pang-ulam,” sabi niya at dinig ko pa ang excited na boses ng dalawang niyang anak.

Nagtitipid nga lang ako tapos sa akin pa sila naghihingi. “Pasensiya na po pero nagtitipid din ako ng pera. Kaunti lang ang pera ko at tinitipid ko lamang.” Mahinahon kong sabi saka umupo sa sofa.

“Diba may boyfriend ka na mayaman? Edi, roon ka humingi sa kaniya ng pera. Bihira nga lang kami humingi ng pera tapos ipagdadamot mo pa. Wala ka bang awa sa amin lalo na sa dalawa kong anak na hindi ngayon makakapasok sa school dahil wala silang baon. Dapat maibigay mo ʼyan since mayaman ka pati boyfriend mo,” sabi pa ni Tito Rick at himig ko sa boses niya ang pagkairita.

Siya pa ang galit, dapat nga ako ang galit dahil sa akin siya naghihingi ng pera. “Pagsabihan mo ang dalawa moʼng anak na magtipid ng pera at huwag maging gastusera. Humanap din sila ng trabaho kahit part-time para makatulong sila sa inyo. Saka magtrabaho rin kayo at huwag iasa lahat kay Tita. Hindi sa lahat ng panahon ay aasa kayo sa akin or sa nanay ko. Maawa kayo sa asawa nʼyo na lubos na nagtatrabaho kahit maging labandera siya para mabuhay kayo,” sabi ko at pinatay agad ang tawag.

Nakaramdam ako ng inis sa narinig ko. Tapos umagang-umaga ay ito ang bubungad sa akin. Bahala na if magalit sa akin si Tito pati mga anak niya. Wala rin naman akoʼng maasahan sa kanila dahil panay hingi nila sa akin ng pera.

Kung si Mama pa ito ay baka binigyan niya sila ng pera pero ako ay hindi. I will not tolerate that kind of lovelife. If they want to achieve their needs then they need to work hard for it hindi ʼyong aasa sila sa kapamilya nila.

Pinatay ko ang cellphone ko dahil tumutunog na naman and sila ang tumatawag. Pagkapatay ko sa aking cellphone ay sumandal ako sa sofa. Napahilot ako sa aking sentido dahil sa inis. Ayaw ko sa lahat ay ʼyong stress ako.

Ano kaya ang isasagot ko kay Zafiro? Pero bigla akoʼng napatayo dahil naisip ko si Mama. Kailangan ko pala siyang bisitahin kung ano na ang kalagayan niya. Mabilis akoʼng nagbihis ng panglakad na damit.

I wore black t-shirt with printed word of ʼBack offʼ and plain brown flare pants with white flat sandal. Naka-bun ang buhok ko na curly black hair at naglagay na rin ng maliit na hairpin sa gilid ng buhok ko malapit sa tainga. Naglagay lang ako ng light make-up with peach liptint.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now