CHAPTER 19

13 3 0
                                    

-STEPHANIE

Pinapasok kami ni Tita sa sala. Nakita ko ang dalawang anak niya na mabilis na nagtago noong nakita nila ako. Nagmadali silang pumasok sa mga kuwarto nila. Maliit lang naman ang sala nila pero malinis naman.

Pinaupo kami ni Tita sa maliit na sofa na may small glass table sa harapan nito. Mukhang kumpleto naman ang gamit nila. Probinsya na probinsya ang dating ng bahay nila. “Ano ang gusto nʼyong kainin or snack?” tanong ni Tita at tiningnan kami.

“Hindi na po kailangan, Tita. Hindi rin naman kami magtatagal dito,” sagot ko na sinang-ayunan ni Zafiro.

Wala naman nagawa si Tita kundi umupo sa kahoy na upuan. Nakaharap siya sa amin at parang nahihiya siya sa amin. “Kumusta naman kayo rito, Tita?” Mahina kong tanong habang nakatingin.

Medyo nagulat pa si Tita sa naging tanong ko. “Okay lang kami rito.” Mahinang sagot ni Tita at tiningnan si Zafiro.

Nakatingin lang si Zafiro sa paligid habang panay tingin niya sa mga nakakabit sa dingding na picture frames at certificate. Hindi pa pala na-renovate itong bahay ni Tita. “Kumusta ang buhay nʼyo rito?” tanong ko para mawala ang hiya ni Tita.

Mukhang si Zafiro ang dahilan para mahiya si Tita since ang linis tingnan ni Zafiro at halata mo talaga sa kaniya na mayaman siya. Napatingin naman ako sa bukas na kuwarto at nandoon ang dalawa kong pinsan na nakasilip habang kay Zafiro ang tutok nila.

Hindi nila napansin na nakatingin ako sa kanila. “Maayos naman, nabubuhay naman kami kahit sa simpleng buhay. Kumusta naman ang Mama mo?” tanong ni Tita at nablanko ang isip ko.

Hindi ko kayang sabihin kay Tita na may sakit sa Mama. Lalo na wala akoʼng tiwala sa anak niyang dalawa at asawa niya. Baka may plano sila na masama. “Maayos din naman siya,”

Tumango si Tita at napalunok pa siya ng laway. “Ito lang ba ang dahilan para  mapabisita ka rito?” tanong ni Tita at muntik na tumaas ang isa kong kilay.

Mabuti na lang at napigilan ko. “May sasabihin ako saʼyo pero kapag tayong dalawa lang,” sabi ko at nagdalawang isip pa si Tita na tumango.

Pero kalaunan ay tumango rin siya. “Sino pala itong kasama mo? Nobyo mo ba, Stephanie?” tanong ni Tita at sasagot na sana ako kaso si Zafiro ang sumagot.

Nalipat naman ang atensiyon sa kaniya ni Tita. “Good morning, Madame. My name is Zafiro Deifen Axien and Iʼm your nieceʼs boyfriend. Itʼs nice to meet you.” Pakilala ni Zafiro at wala sa sarili na tumango si Tita.

Lumapit ang tingin sa akin ni Tita at tumango rin ako kasi sinabi ko na kanina na boyfriend ko si Zafiro kahit hindi naman. May pumasok sa loob at niluwa nito ang asawa ni Tita na si Tito Rick. Lumipat agad ang tingin niya kay Zafiro at saka bumulong kay Tita.

Medyo nagulat pa si Tita sa binulong sa kaniya kaso tumango rin siya kalaunan. “Mukhang maayos ang buhay mo sa siyudad, Stephanie. Baka naman may maganda kang pasalubong sa amin,” sabi ni Tito Rick at ngumiti sa amin.

Nakasout siya ng sando na black at black short na hanggang tuhod. Kumuha siya ng plastic na upuan at umupo katabi ni Tita. “May simpleng pasalubong po ako sa inyo,” sagot ko at nahihiyang ngumiti si Tita habang tuwang-tuwa ang asawa niya.

“Mabuti naman at naisipan mo na pasalubungan kami. Wala bang extra riyan na pasalubong? Iyong pera para pambayad sa mga tuition at utang namin. Mayaman ka naman kaya baka naman, Stephanie. Pamilya rin naman tayo rito.” Dagdag na sambit ni Tito Rick habang napayuko pa si Tita.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now