CHAPTER 18

15 3 0
                                    

-STEPHANIE

It's been two days simula noong nagkausap kami ni Zafiro. Sa nakalipas na dalawang araw ay naging busy siya, bihira na lang siya umuwi ng maaga dahil busy raw siya sa grupo nila at business ng pamilya niya. Since mamayang gabi pa siya uuwi then may pupuntahan pala ako.

Agad akoʼng nagbihis ng damit panglakad. Caramel long sleeve button-down polo na tinupi hanggang sa siko at brown flare pants. Naka-white shoes lang ako at black side pack na bag. Nakalugay ang buhok ko at nilagyan ko pa ng hairpin ang buhok dahil sa maliit kong bangs sa gilid.

I just apply light make-up on my lips but red-velvet ang kulay ng liptint ko. Ang nakalagay sa bag ko ay wallet, cellphone, charger, headset at power bank. Pumunta ako sa parking lot at mabuti na lang at nandoon ang kotse ko.

Nagulat na lang ako kahapon na nandiyan na ang kotse ko na matagal kong iniwan sa school. May pupuntahan lang ako at iyon ay sa bahay ni Tita. Nakakabatang kapatid ni Mama at nag-iisa niyang kapatid. Sisingilin ko sila sa malaking utang nila kay Mama.

Sumakay ako sa kotse ko at pinatakbo. Mabuti na lang at walang gate ang bahay ni Zafiro dahil wala rin namang kabahay-bahay sa paligid dahil private property ang bahay na ito. I just smiled a little noong nakalanghap ako ng fresh air.

Nakabukas kasi ang bintana ng kotse ko dahil makulimlim naman ang kalangitan kaya hindi na ako gumamit ng aircon. Mas gusto ko makalanghap ng fresh air. Since magubat itong dinadaanan ko kaysa naman sa City na puro usok ng sasakyan ang naamoy ko.

Sa bukid kasi nakatira ang Tita ko kasama ang dalawa niyang anak at ang asawa niyang carpenter. Sa Barangay Pantay-Pantay sila nakatira kaya hindi naman ako nahirapan na pumunta roon dahil naayos na ang daanan doon. Naging semento kumpara noon na rough road na kulang tumalbog ka sa kotse habang dumadaan ka.

Sana may pambayad sila since lagi ko naman nakikita ang mga post ng anak niya sa facebook na kumakain sila sa mga sikat at mamahalin na restaurant. Sa City kasi nag-aaral ang dalawa nilang anak na babae na mga SHS din. Mayaman kasi si Mama dahil siya ang nagtiyaga sa Company ng parents niya na halos malubog sa utang.

Hindi kasi ito pinansin ni Tita Amy dahil maaga siyang nabuntis at hindi gusto ng mga grandparents ko ang napangasawa niya dahil hindi matino ang pag-uugali ng asawa niya. Papasok na ako ngayon sa barangay nila at halos dalawang oras din ang travel ko.

Bawat nadadaanan ko na mga tao sa labas ng bahay nila ay napapatingin sa kotse ko na makintab. May ilang kalalakihan sa gilid ng daan na hubad ang pang-itaas nila habang ang damit nila ay nakasampay sa balikat nila. Bakit sila nakahubad sa gilid ng daan?

Nasa malapit sa pinakadulo ang bahay ni Tita Amy na kalahating semento at kahoy ang bahay. Si Mama pa nga ang bumayad sa renta ng bahay nila at kuryente. Gusto magtrabaho ni Tita Amy sa ibang bansa bilang domestic helper kaso hindi pumayag ang asawa niya.

Sapat na raw ang buhay nila at kinikita niya. Tumigil agad ako sa labas ng bakuran nila at gawa sa kawayan ang gate  nila. Napangiwi pa ako noong nakita ko ang mga kapitbahay nila na nagsisilabasan sa mga bahay nila at titig na titig sa kotse ko.

Nakita ko si Tita Amy na lumabas sa bakuran nila habang nakasout ng makulay na daster at naka-bun ang buhok niya. Mabuti na lang at may nadaanan ako na grocery store kaya bumili na rin ako ng pangangailangan nila at pandesal na mainit pa.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas ako. Nagulat naman si Tita Amy sa pagkakita sa akin pero agad din napangiti. “Napadalaw ka, Stephanie?” tanong niya at saka nilagay sa gilid ng gate nila ang hawak niyang walis ting-ting.

Kinuskos niya pa ang dalawa niyang kamay sa isa't isa at agad na pinahid sa saya ng duster niya. “Gusto ko lang kayo dalawin at kumustahin,” sabi ko muna dahil mamaya na ako maniningil.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now