CHAPTER 25

8 3 0
                                    

-STEPHANIE

Itʼs been a month since napansin ko ang pagbabago ni Zafiro. Minsan ay galit siyang umuuwi minsan naman ay hindi siya namamansin. Pinapabayaan ko lang dahil baka stress lang siya sa company nila at school.

Napatingin ako sa pinto na bumukas sa entrance. Pumasok siyang hindi maganda ang timpla ng mukha niya. Hindi ko na lang pinansin dahil baka may problema sa company nila. Umakyat siya sa kaniyang kuwarto at malakas na sinara ang pinto na parang binalibag niya pa.

Nakatingin lang ako sa pinto ng kuwarto niya na nakasara. I sighed deeply, napansin ko rin na lagi na lang ako nagsusuka pero baka may masakit lang sa tiyan ko. Ayaw kong bigyan ng panibagong problema si Zafiro.

Umakyat ako paitaas at papasok na sana sa kuwarto ko kaso biglang bumukas ang kabilang pintuan. Humarap sa akin si Zafiro na masama ang aura at mukhang galit pa.

“Stephanie, niloloko mo ba ako?” tanong niya at nagtaka ako sa tanong niya.

“Niloloko? Kailan pa kita niloloko?” tanong ko pabalik sa kaniya.

Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. “I know na hindi mo talaga ako mahal. Sino ang taong mahal mo?” tanong niya habang masama ang tingin niya.

“Ikaw ang mahal ko. Ano bang problema mo?” galit kong tanong at pilit na inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak ng mahigpit sa kamay ko.

“Ikaw pa ang ganang may galit. Kung talagang mahal mo ako, hindi ka aalis sa bahay na ito. Dito ka lang mananatili,” sabi niya at gulat na gulat ako sa narinig.

Hindi aalis? Alam niya naman na inaalagaan ko ang nanay ko tapos ito pa ang sasabihin niya. Pabigla-bigla itong ugali niya.

“In order to love me, you need to force me to something that I don't want to do,” sabi ko sa kaniya at malakas na iniwaksi ang kamay niya.

Alam niya ang rason kung bakit ako umaalis ng bahay dahil sa nanay ko. Bakit hindi niya maintindihan ang ginagawa ko? Saka saan niya ba nakuha ang ideya na niloloko ko siya?

“There is nothing wrong for love. Bakit ginagawa mong mali ang pagmamahal? Minamahal lang naman kita,” sagot niya sa akin pero napailing ako.

Kung talagang mahal niya ako ay dapat magtiwala siya sa akin. Hindi ʼyong wala siyang tiwala sa akin tapos isisi niya pa sa akin ang bagay na hindi ko naman ginawa.

“Walang mali sa pagmamahal, Zafiro. Pero ʼyong pagmamahal na mayroʼn ka ay ʼyon ang mali. Ibang klase kang magmahal. You forced me too much to the point that I couldnʼt breath and I couldnʼt no longer feel the freedom of myself,” sabi ko dahil hindi ko na mapigilan ang emosyon na nararamdaman ko.

Napaatras siya sa sinabi ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko rin kung bakit lately ay nagiging emotional na ako. Kaunting bagay lang ay nagiging emotional na ako.

“Mahal lang naman kita kaya ko ito ginagawa. Natatakot ako na baka mawala ka sa tabi ko,” sabi niya habang nakangiti ng malungkot sa akin.

Nakatingin lang ako sa kaniya. “Magtiwala ka lang sa akin dahil hindi kita lolokohin o sasaktan,” sabi ko at pumasok sa aking kuwarto.

Umupo ako sa aking kama dahil nakararamdam na ako ng pagduduwal. May sakit ba talaga ang tiyan ko? Mukhang need ko na magpatingin sa doctor dahil hindi na tama ang pagsusuka ko. Wala namang mali sa kinakain ko tapos mabilis ako mairita lalo na sa amoy.

Bakit ganoʼn ang sinabi ni Zafiro? May nagsabi ba sa kaniya na nagloloko ako para sirain kaming dalawa? Isa ba sa mga kaibigan niya ang sumisira sa aming dalawa? Humiga na lang ako sa aking kama dahil nakaramdam na ako ng antok.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now