CHAPTER 4

25 6 0
                                    

-STEPHANIE

Ang hirap pala kapag hindi ka nag-iisa sa kuwarto mo. Sanay na kasi ako mag-isa sa kuwarto ko. Well si Wendy ang pinili kong roomate ko since maasahan naman ito at hindi masiyadong maingay. Hindi ko kayang tumagal sa taong maingay. "Na-check mo na ba?" tanong ko kay Wendy pagkatapos niyang umayos ng tayo.

"Oo, wala ako'ng nahanap na voice recorder at video recorder," sagot niya habang binubuksan na niya ang kaniyang maleta.

Pinahanap ko kasi siya if may video recorder o voice recorder sa kuwarto na ito. Baka bug pala ang kuwarto na ito kaya maririnig nila ang usapan namin. "Saan kaya tayo magsisimula sa paghahanap tungkol sa mga kalaban na 'yon?" tanong ni Wendy na nilalagay na niya sa cabinet ang mga damit niya.

Kanina pa kasi ako natapos sa pag-aayos ng damit ko at gamit ko. "Mas mabuti na bantayan na muna natin sila, wala pa tayong lead tungkol sa mga grupo na 'yon," tanging sambit ko at humiga sa kama.

Single bed lang ito habang nasa tabi nito ang kay Wendy na single bed din. Medyo may kalakihan ang kuwarto na ito and may isang long sofa sa gilid malapit sa papunta sa bathroom. May dalawang cabinet ito na caramel ang color. Minimalist ang style ang kuwarto na ito pati ang pintura kaya hindi masakit sa mata.

I really don't like those wall na masakit sa mata, mabilis ako'ng mairita sa gano'n. "I think na may plano na masama sa atin ang grupo na 'yon," sabi ko habang inaayos ang bedsheet ng kama ko.

Kita ko kanina sa mga mata nila bago kami pumunta sa mga kuwarto na may pinaplano silang masama. Halata talaga sa mga mata nila na masama ang tingin nila sa amin. "Ang isip-bata naman nila kung gano'n. Maging handa na lang tayo," sagot ni Wendy and she shrugged her shoulder off.

"I really hate their guts but we just have to be patience with them for the mission," sabi ko at humiga sa kama.

Nakaramdam ako bigla ng pagod at gumaan ang pakiramdam ko. Nawala na kasi 'yong mabibigat na mga salita na naririnig ko sa nga magulang ko. I hope that my mother will heal soon. She just need to love herself.

"Ayaw ko rin naman sa kanila pero dahil sa misyon natin ay kailangan natin silang kaibiganin para malaman natin ang nalaman nilang impormasyon sa mga siraulo na 'yon," sagot ni Wendy at humiga na rin sa kaniyang kama.

Nagpapahinga kami ni Wendy pero nadisturbo dahil sa malakas na katok na sunod-sunod pa, halos masira itong pinto. "Sino ba 'yan? Hindi makahintay, halos masira na ang pinto. Pag nasira 'yan siya ang ipapalit ko," banta ni Wendy at nagtalukbong na lang ng kumot.

Naiinis ako'ng bumangon mula sa pagkakahiga at hindi na nag-abala tingnan ang sarili sa salamin. Binuksan ko ito ng boung lakas at tumambad sa akin 'yong Zafiro. Mabilis kasi ako'ng maka-memorize ng names nila.

Nakangisi ito sa akin at he lick his lips sexily habang nakatingin sa akin. Malamig lamang ang tingin ko sa kaniya. "Problema mo?" kalmado kong tanong.

"Ayaw n'yo bang kumain? Okay lang naman kung hindi kayo kakain," sabi niya kaya tumango ako at mas lalo siyang ngumisi. "Nice clothes, masiyadong low cut sa dibdib," sabi niya habang nakatitig sa may dibdib ko.

Inayos ko ang damit ko at sinamaan siya ng tingin. "Pervert," I mumbled at sinara ng malakas sa harap niya ang pinto.

Manyak pala ang isang 'yon, ba't hindi ko napansin kanina na hindi maayos ang pagkakasout ko sa aking damit. Kumuha ako ng black sweater sa cabinet ko at sinout ito. Pinatungan ko lang ng sweater itong damit ko. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin if okay lang ba ang mukha ko at okay naman ito.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now