CHAPTER 5

26 6 0
                                    

-STEPHANIE

I woke up na masakit ang ulo ko. Hindi maganda ang gising ko dahil sa sinabi sa akin ni Zafiro kagabi kaya halos wala ako'ng tulog. I know that he's not kidding, that what he said is true. Pero bakit ako natatakot kung assassin naman ako? I know to myself how to defend myself if he will do something bad.

Bumangon ako sa kama at kinuha ang cellphone ko sa side table ko at tiningnan ang oras. 8:30 na and first time ko ma-late ng gising. Mabuti na lang at 10 ang first class namin. Tumingin ako sa katabi kong higaan pero wala na roon si Wendy, hindi man lang siya nag-abala na gisingin ako.

Naglakad ako papunta sa bathroom ng kuwarto na ito at saka naghilamos and sepilyo. Hindi ko mapigilan na tumingin sa salamin dito sa may lababo sa bathroom. Ang lamig pala ng mata ko at walang nababakas na emosyon. Gusto ko baguhin ito kaso hindi na mangyayari, kahit ano'ng gawin ko ay ganito na talaga ang mga mata ko.

Pero nagpapasalamat ako na may ganito ako'ng mga mata at expression para hindi malaman ng iba ang nararamdaman ko. Tinapos ko na ang morning rituals ko kaysa makipagtitigan pa ng matagal sa salamin. Baka may makakita pa sa akin tapos sabihin niyang nababaliw na ako.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting si Zafiro. Gummy smile ang pinapakita niya kaya labas ang mga dimples niya. “Good morning, darling. Kumain na tayo sa baba,” sabi niya at gumilid para makadaan ako sa pinto.

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang siya. Sumunod naman siya sa akin sabay putak ng mga salita. “Darling, don't treat me like a invisible person. Talk to me please,” sabi niya sabay padyak pa sa mga paa niya.

So childish and immature. Feeling ko may nakasunod sa akin na toodler na naghihingi sa nanay niya ng pagkain o laruan. I just ignored him even though he talk a lot of things regarding on his life but I don't care about him. Kapag tapos na ang misyon na ito ay lalayo rin naman kami sa kanila.

We are just doing this for the mission. Nagulat ako dahil may malakas na kamay na pumigil sa akin at pinaharap sa kaniya. Sumalubong sa akin ang nakasimangot niyang mukha. “Darling, hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko na kausapin mo ako, hindi ko sinabi na hayaan mo lang ako'ng dumada rito habang wala kang pakialam,” sabi niya sabay hawak pa sa kamay ko na parang naglalambing.

Pabalya kong inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. “Can you see that I'm not interested in listening to you. You're just wasting your time and energy to me. Find someone else that can match in your sh*t,” sambit ko at nilayasan siya roon.

Narinig ko ang sunod-sunod niyang yabag na pilit sumusunod sa akin. Binilisan ko na lang ang paglalakad at saka pumunta sa hapag kainan. Umupo ako sa upuan na bakante katabi si Wendy at sa sunod naman na upuan ay 'yong si Flynn na mukhang nagulat pa sa biglaan kong pag-upo sa tabi niya.

Nakarinig ako ng pag-ubo sa likod pero hindi na ako nag-abala na lumingon. Boses pa lang at presensiya ay kilala ko na kung sino 'yon. Pinandidilatan naman ako ng tingin no'ng nasa harap ko na si Ryquel at Atticus at may tinuturo sila sa likod ko.

“Lilipat ka sa tabi ng upuan ko o bubuhatin pa kita para roon umupo pero mas mabuti siguro na sa lap kita umupo since pabor naman 'yon sa akin,” banta niya sa akin kaya padabog ako'ng tumayo.

Mukhang hindi kasi siya nagbibiro no'ng sinabi niya na bubuhatin niya ako para umupo sa kandungan niya. “Susunod din naman pala,” nakangisi niyang sambit habang nakatulala ang mga kaibigan niya habang ang mga kaibigan ko ay nakatanga lamang sila sa akin.

Padabog ako'ng umupo sa upuan na katabi ng upuan niya. There's a authority and dominance on his voice that make you follow if you don't want to face his anger. “Nandito na ba ang lahat?” tanong niya habang pasipol-sipol pa.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now