CHAPTER 17

12 3 0
                                    

-STEPHANIE

I am currently residing in Zafiro new mansion. Alam na ito ng mga kaibigan ko at binalaan nila ako. May plano rin ako sa pagtira ko rito sa bahay ni Zafiro. May mission din ako sa mansion na ito na hindi nalalaman ni Zafiro. Nandito ako ngayon sa mansion at hindi ako pinapasok ni Zafiro sa school. Siya na raw ang bahala sa pag-aaral ko. Wala rin naman ako‘ng kawala dahil nanay ko ang kapalit kapag hindi ako tumupad sa usapan.

Nakaupo ako rito sa sofa sa sala habang nag-iisip ng maigi. Wala si Zafiro dahil pumunta siya sa school. Wala ring mga maid or bodyguard ang mansion na ito dahil pinaalis sila ni Zafiro. Nilipat niya sila sa company nila. Mas maganda raw na kami lang ang daw ang nakatira sa mansion niya.

Lahat ng pinto ng kuwarto ay bukas maliban sa basement sa baba. Nakasara ito at naka-padlock. Feeling ko ay may nakatago roon na mga bagay na may kinalaman kay Zafiro. Naputol ang pag-iisip ko dahil biglang may humalik ng mabilis sa pisnge ko.

Magsasalita sana ako kaso naunahan ako nang humalik sa akin. “How is your day?” tanong ni Zafiro at umupo sa tabi ko sa sofa.

“Fine.” Simple kong sabi at umayos ng upo.

Medyo lumayo ako ng kaunti kay Zafiro at hindi niya naman napansin. Masiyado siyang busy sa kinukuha niyang gamit sa black bagpack niya na katamtaman ang laki. May brand pang hawk. Nakita niya ang hinahanap niya sa bag niya at malawak na ngumiti.

Agad niyang inabot sa akin ang plastic violet tulips. Maganda ang design nito at may card pa. Tiningnan ko ang card at wala sa sariling binasa ang nakalagay. “From the bottom of my heart, I love you. Even in every part of me.” Pagbabasa ko sa letter at humarap kay Zafiro na naka-gummy smile.

“Do you like it?”

Napabuntong hininga ako. “Bakit mo ako binigyan ng ganito?” tanong ko at napansin ko ang pamumula ng kaniyang dalawang tainga.

Napakamot siya sa kaniyang batok. “Noong nakita ko ‘yan na binibenta sa sidewalk sa labas ng school ay ikaw agad ang naisip ko. Nagustuhan mo ba?” sabi niya at tiningnan ang binigay niya.

Ngayon ko lang napansin na naging black ang buhok niya at clean cut na kaso nandoon pa rin ang dalawa niyang black piercing sa kanan na tainga. Badboy talaga ang aura niya lagi. Nakasout na siya ng uniform na kinagulat ko. I mean hindi talaga siya nagsosout ng uniform kapag pumapasok sa school.

Thank you. Ikaw ang kauna-unahang tao na nagbigay ng ganito sa akin,” sabi ko at pinasalamatan siya.

Nagulat naman siya sa sinabi ko pero kalaunan ay natuwa. Inakbayan niya ako rito sa sofa habang nakatingin kami sa nakapatay na TV. Hindi rin naman ako interesado sa panonood ng TV.

“I‘m so happy to hear that,” sabi niya at pilit ko inaalis ang pagkaka-akbay niya kaso ayaw umalis ng kamay niya.

Hinigpitan niya lalo ang pag-akbay sa akin. “Don‘t move and stop resisting. I just want to hug you like this,” sabi niya kaya hinayaan ko na lang siya.

Mukhang good mood naman siya at ayaw ko na naman masira dahil nagbabago bigla ang ugali niya. “It‘s feel so good when you hug the person you love like this. It takes away all of my problems.” Dagdag pa na sabi ni Zafiro.

Hindi na ako nagsalita pa dahil wala rin naman ako‘ng masasabi. I‘m not fond of talking too much. Hindi ako tulad ng mga kaibigan ko na mahilig makipag-usap lalo na pag may chismis.

“Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko? Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong ni Zafiro sa mahinahon na boses.

Wala rin naman akoʼng masabi sa mga sinasabi niya kasi wala naman akoʼng nararamdaman na pagmamahal sa kaniya. Napilitan lang ako sumama sa kaniya dahil sa nanay ko.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now