CHAPTER 2

35 11 2
                                    

-Stephanie

I woke up in the wrong side of the bed kaya masakit ang ulo ko. Bumangon na ako saka pumunta sa bathroom. Mabuti na lang at maaga ako'ng nagising kasi ayaw ko rin naman ma-late. Binilisan ko talaga ang pagliligo at pagsesepilyo. Sa cafeteria na lang ako kakain ng agahan.

Sinout ko na rin ang uniform ko. Black blazer, red polo long sleeve bottoned-down with red ribbon necktie, and black skirt that three inches above the knee. Red sock na hanggang tuhod at black shoes. Ganiyan ang uniform namin at nakalagay sa right side ng dibdib ko ang nametag habang sa left side ay logo ng school. Quantum Leap University ang pangalan ng University namin.

Black mini bagpack lamang ang dala kong bag dahil iniiwan ko sa locker room ang libro ko. Nakakapagod pag dala-dala mo araw-araw. Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako sa aking kuwarto then I heard another drama scene.

"Kailan mo ba ako mamahalin, Steve? May anak na tayo pero iba pa rin ang mahal mo. Pumupunta ka pa rin sa kabit mo. Ano bang kulang para mahalin mo rin ako?" I heard my mother cried after saying those words.

Ramdam ko ang hinanakit niya sa mga salitang iyon. This is the reason why I want to leave this house. I already feed up with their everyday argument.

"Hinding-hindi kita mamahalin. Tandaan mo na arrange marriage lang ang nangyari sa atin habang may mahal ako. You also broke my trust, inakit mo ako kaya ako nalasing at nagkaroon tayo ng anak. Kahit kailan ay hindi ko ituturing na anak ang anak mo. Kaya tigilan mo na ang drama mo," galit din na sigaw ni Papa kaya lumapit ako sa kinaroroonan nila pero nagtago ako para hindi nila ako makita.

I see how my mother begged and my father didn't care about it. Nakaluhod si Mama habang umiiyak at hawak pa niya ang kanang paa ni Papa na pinipigilan na umalis. Dala ni Papa ang malaki niyang bag na naglalaman ng mga gamit at damit niya. Mukhang lalayas na siya.

"Please, huwag mo ako'ng iwan, Steve. Mahal na mahal kita at okay lang na hindi mo ako mahal basta manatili ka lang sa tabi ko. Huwag mo ako'ng iiwan," sabi ni Mama at mas lalong lumakas ang hagulgol niya.

Marahas na tinanggal ni Papa ang kamay ni Mama sa kaniyang kanang paa. "Tumahimik ka, Criselda. Aalis ako at iiwan ko ang pamilyang ito. Pagod na ako manatili rito, sasama na ako sa mahal ko. Ayaw ko manatili sa taong hindi ko mahal kaya tigilan mo na ang drama mo. Kahit ano pang gawin ko ay hindi kita kayang mahalin dahil may mahal ako'ng iba kaya tumahimik ka na," sambit ni Papa at aksidenteng nagtama ang paningin namin dahil lumabas ako sa pinagtataguan ko.

Malamig ang tingin ko sa kanila habang si Papa ay parang wala lang kami ni Mama sa kaniya. "Mahalin at alagaan mo na lang 'yang anak mo kaysa pigilan pa ako sa pag-alis. Bahala ka na sa buhay mo dahil pagod na pagod na ako sa bunganga mo araw-araw na pumuputak," sambit ni Papa at tinapunan pa niya ako ng tingin bago siya umalis.

Naiwan si Mama na patuloy na umiiyak habang binabanggit niya ang pangalan ni Papa. Hindi ko rin naman tinuring na tatay 'yong tatay ko dahil never siyang nagpakatatay sa akin. Lumapit ako sa puwesto ni Mama at napansin naman niya ang presensiya ko.

"Iniwan ako ni Steve dahil sa'yo. Kung hindi ka lang nabuhay ay baka mahalin niya pa ako. Sinira mo ang buhay ko!" galit at umiiyak na sabi ni Mama.

"Okay, it's my fault," blanko kong sambit at umalis na sa bahay.

Wala ako'ng gana makipagsagutan sa nanay ko. Siya lang ang kilala kong tao na tanga sa pag-ibig. I never want to do what she's doing. Ayaw ko magpakatanga sa pag-ibig dahil ayaw ko pagdaanan ang pinagdaanan niya ngayon. Sumakay ako sa aking kotse at pinaharurot ito paalis. Mabuti na lang at nabuksan ng mga maid ang gate.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now