CHAPTER 15

13 3 0
                                    

-STEPHANIE

Inihatid ko sa bahay si Mama at pinabilin muna kay Manang Lucy. Mabuti na lang naibalik ang mga gamit namin sa loob kaso kailangan ko makausap si Zafiro ng personal tungkol sa bahay namin. Papunta na ako ngayon sa address ni Zafiro. Pagkatapos nito ay kakausapin ko ang mga kaibigan ko.

Nag-commute lang ako dahil nasa headquarters ang kotse ko na isa. Isang sikat na restaurant ako pupunta kung saan doon kami magkikita ni Zafiro. Bumaba agad ako sa taxi pagkarating ko sa restaurant. Naglakad ako papasok at tiningnan ako noʼng guard at bahagyang ngumiti.

“Ikaw ba si Miss Stephanie?” tanong noʼng guard kaya tumango ako.

Tinuro niya sa akin kung saan ako uupo at nakita ko nga si Zafiro na nakatalikod sa gawi ko. Pinadalhan niya pa ako ng damit na sosoutin ko kaya sinout ko na lang kahit labag sa loob ko. I am wearing black apron dress na hanggang tuhod at pinatungan ko lang ng black blazer.

Nakalugay lang ang buhok ko at nilagyan ko ng kaunting make-up. I am wearing platform wedge na three inches heels. Nakita ko si Zafiro na panay ayos sa kaniyang dark brown na buhok. Nagpakulay ba siya ng buhok?

Umupo agad ako sa bakanteng upuan sa harap niya. Blanko lang ang tingin na pinupukol ko sa kaniya. Napalunok siya at namamangha na nakatingin sa akin.

“Dapat sa kandungan ko ikaw umupo,” sabi niya at bahagyang natawa.

Napangiwi na lang ako at nandidiri siyang tiningnan. “Pervert,” I mumbled.

Narinig niya ang sinabi ko kaya mas lalo siyang natawa. Napansin ko na kami lamang at mga staff ang tao sa restaurant na ito. Did he rent this place para walang ibang nandito kundi kami lang.

“Hindi mo pa rin napansin?” tanong niya kaya tiningnan ko siya.

Napansin? Ano naman ang mapapansin ko? Ang hitsura niya?

“What do you mean?” Nalilito kong tanong at ngumiti naman siya using his gummy smiles.

“Ako ang may-ari ng restaurant na ito and I want to make special ang date natin. Naka-fourth date na tayo pero gusto ko talaga ay special,” sabi niya at may naririnig ako na tumutugtog ng piano.

Nilingon ko ang pinagmulan ng tugtog at nakita ko si Zyion at nakatalikod sa gawi namin habang tumutugtog ng piano. Alam pala ito ng mga kasama niya.

“Ganoʼn ba. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Bakit mo binili ang bahay namin at  pinalabas ang mga gamit namin?” Malamig kong tanong habang naalala ko kung paano nailabas ang mga gamit namin.

“Tinulungan ko lang ang Mama mo. Hindi mo ba alam na lubog sa utang ang pamilya mo sa pamilya ko? Of course, hindi mo alam dahil focus ka lang sa sarili mo,” sabi niya at umayos pa ng upo.

Napakuyom ang kamao ko dahil totoo naman ang sinasabi niya. Sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ko man lang napansin na nahihirapan na si Mama that would lead her to heart disease.

“I know, na selfish ako at sarili ko lang ang iniisip ko. Pero gagawin ko ang lahat para mabayaran ang utang ng pamilya ko sa pamilya mo,” sagot ko dahil naisip ko ʼyong mga naipon ko na pera sa bangko.

Kapag may nakukuha kasi akoʼng pera mula sa mga client ko ay iniipon ko sa bangko. Umiling si Zafiro sa sinabi ko. “No, you will not do anything. You don't need to pay me. You just need to do something for me. Just stay at my side forever,” sabi niya and this time ay ako naman ang umiling.

Why? Bakit lagi niyang pinagpipilitan na manatili ako sa tabi niya? Kahit kailan ay hindi ko kayang manatili sa tabi niya. “Zafiro, nakailang ulit ko na ito sinabi saʼyo. Hindi ko kayang manatili sa tabi mo. Babayaran ko ang utang ng pamilya ko and after that. Let me go, I need to fix everything first,” sabi ko at tiningnan ang magiging reaction niya.

GETTING CLOSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon