CHAPTER 6

25 5 0
                                    

-STEPHANIE

Lunch time namin ngayon at tambay lamang kami sa cafeteria since kanina pa kami tapos sa pagkain. Nalinis na rin 'yong table at nakuha na 'yong pinagkainan namin. Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakatanga rin ang mga kaibigan ko.

“So gagawin talaga natin ang suggestion ni Wendy?” paninigurado ni Thrielle at sout na naman niya ang specs niya.

Nagmumukha tuloy siyang nerd sa style niya at siyempre hindi nawawala ang sandamakmak na libro sa kaniya. Kawawa tuloy minsan si Tanasha dahil nadadamay sa pagdala ng libro.

“Oo, kung gusto n'yo mapadali ang misyon na ito ay gawin natin 'yon,” sagot ko at tinitingan ang mga reaksyon nila.

Si Syrine naman ay kumakain ng snack na binili niya kanina. Patay gutom talaga ang isang 'to, mabuti na lang hindi siya nanaba sa ginagawa niya.

“Ang panget ng nangyari sa kotse ko, biglang nagsgas. Wala naman 'yon kahapon tapos tinadyakan pa,” pagrereklamo ni Flaire na kanina pa tahimik.

Kaya pala kanina pa ito tahimik at parang pinagsukluban ng langit at lupa dahil sa kotse niya. Alam ko kung sino ang may kagagawan sa kotse. Nakita ko pa kung paano tadyakan ni Zafiro ang kotse ni Flaire na pula noong paalis na ako.

“I'm sure isa sa mga tukmol na' yon ang may gawa,” sabi ni Maddison na may galit sa mga lalaking iyon.

May galit din ako sa kanila lalo na roon sa leader nila na si Zafiro. Napakakulit niya at hindi madadala sa isang salita. Akala mo naman madadala lahat sa ginagawa niya. Namimilit pa sa mga ka-date niya, kulang ba siya sa pagmamahal at pansin?

“Kung nalaman ko lang sino ang tumadyak ay baka napatay ko na. Alam n'yo naman kung paano ko alagaan ang kotse na 'yon dahil favorite ko 'yon sa lahat ng kotse ko,” paghihimutok ni Flaire habang gigil na gigil sa hawak niyang cellphone.

“Hoy, Wendy! Akala mo makakalimutan ko na hinatid ka ni Khifiro kanina. Ano'ng meron sa inyo?” tanong ni Tanasha habang inaayos sa table ang mga libro ni Thrielle na nagkakalat.

Hindi na ako nagsasalita kasi alam ko naman ang rason ni Wendy para gawin 'yon. Mukhang mapapadali kay Wendy ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa lalaking iyon. Since magiging close na sila.

“Ginagawa ko lang 'yon para sa misyon, para may malaman ako tungkol sa kaniya at sa mga kalaban natin,” sagot naman ni Wendy sa kalmadong boses.

Minsan ay ang OA rin nitong si Tanasha. Dinaig pa ang imbestigador sa mga tanong niya. Ganiyan talaga siya dahil gusto niya talaga malaman kung sino ang idi-date namin.

"Sus, baka magulat na lang ako na kayo na pala," sabi pa ni Tanasha na pilit tinutulak na meron kakaiba kina Wendy at Khifiro.

I think ginagawa niya rin ito dahil sa nangyari noon kay Wendy. Concern lang siya baka maulit 'yong nangyari noon kay Wendy na nagbigay sa kaniya ng trauma. Naging masaya kami noong na-overcome ni Wendy ang trauma na 'yon.

“Wala ako'ng balak na i-date siya. Mas babae pa' yon kaysa sa akin,” sabi na lang ni Wendy at patuloy sa paglaro ng candy crush.

Mataas na ang level niya riyan kaya ayaw niyang ma-istorbo kapag naglalaro siya. Humarap naman sa gawi ko si Tanasha since katapat ko ang kinauupuan niya habang nasa tabi niya right side si Thrielle habang sa left side si Syrine.

Katabi ko naman sa right side si Wendy habang left side si Flaire na until now hindi pa rin nakaka-move on sa nangyari sa favorite car niya. Tinaasan ko ng kilay si Tanasha noong titigan niya ako.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now