CHAPTER 7

18 5 0
                                    

-STEPHANIE

Maaga ako'ng nagising dahil tatakasan ko si Zafiro. I'm sure na mamimilit na naman 'yon na sasabay ako sa kaniya papunta sa school. Wala talagang kuwenta 'yong ginawa naming rules. Saka wala pa kaming nalalaman tungkol sa mga kalaban na 'yon. Late kami nakauwi ni Zafiro kagabi at nagtataka ang mukha ng mga kaibigan ko habang 'yong mga kaibigan ni Zafiro ay walang kibo.

Mukhang takot sila kay Zafiro dahil siya 'yong leader nila, saka natatakot sila baka isang salita lang nila tungkol sa amin ay lagot sila kay Zafiro. Si Wendy naman ay hindi na nagtanong sa akin no'ng patulog na kami kagabi. Doon ko lang na-realize kami noong chinarge ko ang cellphone ko na ang dami nilang calls at text.

4:00 am pa lang ay gising na ako dahil tatambay muna ako sa headquarters namin. Ite-text ko na lang sina Wendy na roon muna dumiretso bago pumasok sa school. Mabilis at maingat ang bawat galaw o hakbang ko pababa ng hagdan. Wala pang gising at patay ang ilaw sa living room.

May nakabukas na lampshade na nagsisilbing ilaw sa living room. Hinay-hinay ang pagbaba ko hanggang sa tuluyan na ako makalabas pero may naanig ako'ng anino sa labas, malapit sa gate. Napansin niya ako bigla kaya lumingon siya sa akin. Hindi ako agad nakapagtago dahil nabigla ako sa kaniya.

“Oh it's you. Tatakasan mo ba si Zafiro?” mahina niyang tanong habang hawak ang kaniyang cellphone.

“Isusumbong mo ba ako kapag sinabi kong oo?” kalmado kong tanong.

Umiling ito at nag-give way sa daan sa may gate. Lumapit naman ako agad sa gate at tiningnan siya. “Go ahead, hindi kita isusumbong. I don't want to be involved on what's really happening to the both of you,” sabi pa niya saka umayos ng tayo habang diretso ang tingin sa akin.

“Thank you. I hope na maasahan ko ang sinasabi mo,” I thanked him dahil mukhang seryoso naman siya sa sinasabi niya.

Binuksan ko ng mahina ang gate saka lumabas. Bago ko maisara ang gate ay rinig ko pa ang huli niyang sinabi. “Goodluck on escaping and hiding. It feels like the two of you having a hiding and chasing game which is excite me while watching the both of you,” sabi niya pero hindi ko na lang pinansin.

Agad ako'ng pumunta sa kotse ni Wendy sa labas na naka-park saka sumakay rito. Pinaandar ko ng mabilis ang kotse. Pero, biglang pumasok sa isipan ko kung bakit nandoon sa labas ng bahay, sa may gate si Cyziel. Nakangisi pa siya noong nakita niya ako. Tapos napansin ko pa na may bahid ng dugo ang kaliwa niyang binti.

Sinasaktan niya ba ang sarili niya? Pero bakit naman? Mukhang silang magkakaibigan ay parehas na may mga problema sa sarili. Dumudugo pa ang binti niya pero parang wala lang sa kaniya tapos may hawak pa siyang cellphone. Napailing na lang ako at pinark ang kotse sa parking lot ng headquarters.

Nakarating ako kaagad dito dahil walang traffic at kaunti lang ang nakikita kong mga vehicles sa daan, sila siguro 'yong may mga work na maaga. Pumasok ako kaagad sa kuwarto ko sa headquarters at doon humiga. Hindi ko magawang makatulog sa kuwarto ko roon sa mansion dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.

Kasalanan talaga ito no'ng Zafiro na kulang sa aruga. Biglang pumasok sa isip ko si Mama. Kumusta na kaya siya? Hindi kasi ako tinetext ni Manang Lucy. Agad kong nilabas ang cellphone ko sa aking bulsa at tinawagan ang number ni Manang Lucy. I'm sure na maaga naman 'yon gumising dahil naglilinis at naghahanda 'yon ng pagkain.

Hindi nagtagal ay sumagot ang sa kabilang linya. “Hello, Stephanie. Kumusta ka riyan?” mahinang tanong ni Manang Lucy.

Parang hindi pa rin natupad ang pangarap ko na freedom dahil may isang lalaki na panay pilit sa akin. “Okay lang ako,” I lied dahil ayaw kong mag-alaala pa sila sa akin.

GETTING CLOSERNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ