CHAPTER 23

6 3 0
                                    

-STEPHANIE

Inaya ako ni Zafiro na kumain kami sa sikat na barbecue restaurant rito sa resort. Hindi niya sinama mga kaibigan niya at kaibigan ko dahil lang daw muna. Pumayag na lang din ako kasi first date namin ito as a couple.

Umorder siya ng maraming pagkain para sa aming dalawa at halatang special ito. “Sana magustuhan mo ito,” sabi niya at patuloy sa pag-aayos ng table dahil na-serve na sa amin ang pagkain na in-order pa raw niya kanina.

I smiled secretly kung paano niya ako asikasuhin. Ganʼto ang tipo ko sa mga lalaki. Ayaw ko sa mga lalaki na walang pakialam sa mga asawa or girlfriend nila. “Kain na tayo,” sabi niya at umupo pagkatapos niyang maghanda ng pagkain.

“Okay,”

Nagsimula na kami kumain at una kong tinikman ay ang ginisang tuna na may repolyo. Pagkatikim ko ay super sarap ng lasa. “Masarap ba?” tanong ni Zafiro at uminom muna ako ng tubig bago tumango.

Natuwa naman siya sa reaction ko. “Hʼwag kang mag-alaala dahil ipagluluto kita ng pagkain sa sunod na may date tayo,” sabi niya habang nakatingin sa reaction ko noong tinikman ko ang sinigang na tuna.

Masarap ang sinigang kaya napasandok ako ulit. Now I know kung bakit favorite ito ni Wendy na kulang na lang ay iulam niya everyday. Pinipigilan na lang siya ni Flaire dahil inaaya niya lagi si Flaire na magluto ng sinigang.

“Mukhang gusto mo ang sinigang. Gusto mo ba pag-aralan ko ʼyan kung paano lutuin para saʼyo?” tanong ni Zafiro at napatingin ako sa kaniya.

Nag-aabang siya sa sagot ko at kaunti lang ang nagalaw niya sa kaniyang pagkain. “Zafiro, puwede ko ba malaman ang ilang information tungkol sa mga magulang mo or may kapatid ka ba?” tanong ko at napansin ko ang pagbabago ng mood niya.

“My father really love my mother. Mahal na mahal niya ang nanay ko at lahat gagawin niya ang lahat para sa nanay ko. Habang ang nanay ko naman ay mapagmahal din kaya masaya talaga ang pamilya namin. Ang kapatid ko naman na babae ay mabait din at maalaga. Kaya walang problema sa pamilya namin. We are a happy family,” sabi ni Zafiro at masaya ako dahil masaya ang pamilya niya.

At least hindi siya tulad ng family ko na sira. Pero masaya ako kahit kami lang ni Mama. I donʼt care about my father. “I envied your family for being complete and happy family. But I am contented in my family,” sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

***

Itʼs been seven days since naging kami ni Zafiro. Maalaga  naman siya at mapagmahal. Never pa kaming nag-away or nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan since may tiwala kami sa isaʼt isa.

Kahit minsan ay ako lang ang tao sa malawak na mansion na ito. Minsan kasi ay late umuwi si Zafiro simula noʼng siya ang namahala sa company na pag-aari ng lolo niya. Strict daw ang lolo niya kaya inaayos niya talaga ng maayos ang trabaho niya.

Since mamaya pa siya makakauwi ay pupunta muna ako sa bahay nina Tita. Utos kasi ni Mama dahil may usapan daw sila ni Mama kaso hindi siya makakapunta kaya ako na lang ang pupunta. Hindi na ako nagpaalam kay Zafiro kasi alam ko na magagalit siya.

Ayaw na ayaw niya pa naman na pumupunta ako sa bahay ni Tita. Nag-ayos na ako sa aking sarili. I wore black sweater at apricot trouser with my white shoes. Nakalugay lang ang buhok ko pagkatapos ko nagsuklay. Ginamit ko ang kotse ni Zafiro na Jaguar. Mamaya pa ʼyong makakauwi kapag hatinggabi na.

Pinatakbo ko na ang kotse at tanging dala ko lang ay maliit ko na dark brown side pack bag ko na may wallet, cellphone at susi sa bahay. May duplicate rin si Zafiro sa susi ng bahay. Nadadaanan ko ang mga puno na sinasayaw ng hangin. Mukhang uulan sa probinsya kasi makulimlim ang langit.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now