CHAPTER 8

14 4 0
                                    

-STEPHANIE

Nanatili lamang ako’ng nakatingin sa kanila habang nagtataka ang mukha ni Syrine. Tumayo silang dalawa at lumapit sa amin na nakatayo lamang. “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” kalmadong at pabulong na tanong ni Syrine.

“Gusto namin malaman ang room n’yo,” sagot ni Cyziel at patingin-tingin pa siya sa mga classmate ko na halos mawalan na ng hininga sa kilig.

“For what?” malamig kong tanong.

Lumapit sa akin si Cyziel saka bumulong. “Nothing, just to make sure that all of you are doing well after what happened. Since someone already do the thing that I want to do. You know, this morning someone jumped from fourth floor to first floor. I hate that he do what I want to do. It is thrilling, right?” bulong ni Cyziel gamit ang angelic voice niya saka lumayo sa akin kaagad.

Suicidal ba ang isang ‘to? Ano naman kaya ang problema niya? Or baka naman trip niya lang?
“Your secret is safe, don’t worry,” sabi ni Cyziel na parang may pinapahiwatig saka nilampasan ako at sumunod sa kaniya si Skiers.

Dinaanan pa kami ng tingin ni Skiers bago tuluyan makaalis. Ano'ng ibig niyang sabihin? Tungkol ba ito sa pagtakas ko noong madaling araw. Nakatingin 'yong mga classmate namin sa amin dahil sa ginawa no'ng dalawa.

Naglakad na lang ako papunta sa upuan ko at umupo. Subukan nila magsalita tungkol sa amin at humanda talaga sila. Wala naman nagsasalita sa kanila kaso nanghuhusga ang mga tingin nila. “Ano'ng sinabi nila sa'yo?” mahinang tanong ni Syrine.

“Nothing important. Sabihan mo lang sila Maddison na pupunta tayo mamaya sa headquarters. Doon muna tayo manatili kasi may gusto ako'ng pag-usapan at malaman,”

Nagpasukan ang mga classmate ko at nakita ko pa sila Tanasha at Thrielle na nakasunod sa kanila. Noong magtama ang paningin namin ay gulat na gulat pa sila noong makita ako. Umupo sila agad at sa mga upuan nila. Hinihintay ko na dumating si Maddison kasi kakapasok lang ni Wendy at Flaire. Si Maddison na lang ang kulang sa squad namin.

“Ang tagal naman ni Maddison,” komento ni Wendy na kakaupo lang.

“Kanina pa ba siya umalis papunta sa dean ofice?” mahina kong tanong dahil biglang pumasok ang strict naming teacher.

“Oo, kanina pa,”

Hindi na ako sumagot dahil nakatingin sa amin si Ma’am Banac na teacher namin sa Politics and Good Governance. Minsan naiinis ako sa kaniya dahil out of the topic ang mga tinuturo niya, mahilig siya magkuwento ng buhay kahit walang may gana makinig maliban doon sa mga mahilig sa mga kuwento.

“Sino’ng wala sa klase?” tanong ni Ma’am habang inisa-isa kami tiningnan.

Walang nagsasalita hanggang sa nagsalita si Wendy. “Si Miss Brillo po, Ma’am,” mahinang sagot ni Wendy.

Tiningnan naman siya ni Ma’am at ramdam ko na hindi talaga kami bet ni Ma’am. Ang grupo namin ang hindi niya gusto dahil hindi raw kami nakikinig sa mga kadramahan niya sa buhay. “Diba kaibigan mo ‘yon? Bakit hindi mo siya kontakin para naman makasali siya sa klase natin?” sarcastic na tanong ni Ma’am.

“Ma’am, pumunta siya sa dean office kasi pinatawag siya,” sagot naman ni Syrine at saka bahagyang umayos ng upo.

Tinaasan siya ng kilay ni Ma’am kaya nagmukha siyang madrasta sa snow white pero kaibahan nila ay mataba lang ang teacher na ito dahil pagkatapos niya magkuwento about life niya ay magpapasagot siya sa activities sa libro saka siya kakain ng snack habang gumagamit ng cellphone, minsan pa nga ay nagpapatanggal siya ng white hair sa mga favorite niyang student.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now