CHAPTER 12

19 3 0
                                    

-STEPHANIE

Maaga pa lang ay umalis na ako sa headquarters. Kagabi pa lang ay tinext ko na si Tita na magkikita kami sa malapit na coffee shop dito sa headquarters namin. Mabilis ang bawat galaw ko sa pag-alis sa headquarters. Ang ginamit ko na ay ang kotse ko na nakatago, bahala na ‘yong kotse ko sa school. Sumakay ako sa kotse ko na black jaguar at mabilis na pinatakbo.

Kapag nalaman ko na ang totoo ay kailangan masabihan ko ang mga kaibigan ko na baguhin ang misyon. Hindi ‘yong ganitong misyon na hindi naman dapat kailangan. Pinarada ko ang kotse ko sa labas ng parking lot ng coffee shop. Pumasok ako sa loob pagkatapos ko mag-park at hinanap si Tita hanggang sa mahanap ko siya sa dulo, sa tagong parte.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa upuan na kaharap niya since ‘yong two-seater ang kinuha niyang table. Nagulat pa siya sa biglaan kong pagdating. “Kanina ka pa ba rito?” Mahina kong tanong pero umiling siya sa akin.

“Kararating ko lang din. Ano ba talaga ang dahilan at pinatawag mo ako ng ganitong oras? May sweet moments pa kami ng asawa ko pero sinira mo,” sabi niya pero ngumiwi na lang ako.

“Disgusting,” sabi ko at tinawanan lang ako ni Tita. “Talaga bang misyon namin ay protektahan sila? Sino’ng client ang nakiusap sa’yo? Gusto ko siyang makilala.” Sunod-sunod kong tanong na kinagulat pa ni Tita.

Mukhang ramdam niya na seryoso ako sa mga tanong ko. “Actually, never kong na-meet ang client at nagkausap lamang through calling sa phone. Hindi ko alam ang hitsura niya at boses lalaki ito,” sabi ni Tita kaya napakunot ang noo ko.

“Bakit mo tinanggap ang alok niya? Never mo pala nakita ‘yong tao,”

Ngumiti siya na parang kumikinang ang mata niya. “Malaki ang binigay niyang pera tapos pina-vacation niya kami ng asawa ko ng one week sa isang sikat na resort. Saka nagmakaawa kasi siya na kailangan niya ang tulong natin dahil nasa kapahamakan sila saka tutulong daw siya sa mga information ng kalaban.” Paliwanag ni Tita kaya naliwanagan ako.

Damn it, all of this time ay niluluko kami. Tumayo ako na kinagulat ni Tita. “Saan ka pupunta?” tanong niya at  tumayo ako kaagad.

“I need to warned my friends,” sabi ko at mabilis na lumabas sa coffee shop na ‘yon.

Nilibas ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa at napamura ng mahina no’ng makita ko na lowbat na pala ang phone ko. Pumasok ako kaagad sa kotse not minding my sorrounding. Kailangan ko na sabihin sa kanila ang totoo habang maaga pa. Kaya pala ramdam ko na may kakaiba sa misyon na ito.

Pinaandar ko ng matulin ang kotse ko pero may naamoy ako na kakaiba. Parang pamilyar sa akin ang amoy na ito. Lilingon sana ako kaso sa likod kaso nanghihina ang katawan ko na parang nakaramdam ako ng antok. Unti-unting sumara ang talukap ang mata ko pero may narinig ako na isang boses.

“You fell on my trap, darling. Sleep tight my darling, I want to take you in our house and lock you in that place,”

***

Nagising ako sa naamoy ko na panlalaki. Mabilis ako’ng bumangon at tiningnan ang paligid ko. Nasa isang kuwarto ako na puro black and gray ang kulay ng mga gamit. Kurtains ay black habang ang kumot ay gray, pati na rin ang beedsheet at unan. Narinig ko na bumukas ang pinto at tumambad si Zafiro na nakangisi.

“Nasaan ako? Bakit ako nandito?” Sunod-sunod kong tanong at siya naman ay sinara ang pinto at umupo sa upuan na hindi kalayuan sa akin.

“Darling, welcome to our house. Actually, you are in our room. Do you like the design?” Nakangiti niyang tanong at tinitingnan ang bawat paligid.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now