CHAPTER 10

25 4 0
                                    

-STEPHANIE

“Bakit mo 'yon ginawa?” tanong sa akin kaagad ni Wendy pagkatapos ikuwento ni Maddison sa kaniya ang ginawa ko.

Kanina pa sila nakarating dito sa headquarters namin. Tahimik lamang si Tanasha at Thrielle pero I know na may mga katanungan din sila.

“Dapat ba wala ako'ng gawin sa ginawa nila kay Maddison?” tanong ko kay Wendy habang nakaupo lang sa swivel chair na nandito sa library namin sa headquarters.

Walang nagsasalita sa iba habang kami lamang ni Wendy ang panay salita. “Hindi sa gano'n ang ibig kong sabihin,” sabi pa niya at bahagyang umiling.

Tumaas ang sulok ng aking kilay. “Kung gano'n, ano ang ibig mong sabihin?”

Ngumisi siya ng bahagya na kinakunot noo ko. “Bakit hindi ka nag-invite?” sabi niya sa boses na nagtatampo.

What? Akala ko ba galit siya dahil sa ginawa ko sa mga gago na 'yon. Hindi rin mabasa ang ipinapahiwatig ng babaeng ito. “Malay ko ba na gusto mong sumali. Dapat napansin mo na may gagawin at hahanapin ko si Maddison noong umalis ako sa klase,” sagot ko at binuksan ang sinend na information sa akin ni Tita tungkol sa Seventeen na 'yon.

Hindi naman 'yon nakakatulong kaya dinelete ko na lang sa cellphone ko. “Oo nga pala, galit na galit sa'yo si Ma'am. Humanda ka raw sa next meeting,” sabi niya pero hindi ako natakot.

Ano na naman kaya ang pauso ng teacher na 'yon. Ipapahiya na naman niya ako sa whole class niya? Never pa ako natakot sa mga tao dahil matapang ako at palaban. “Magalit siya kung gusto niya, hindi naman ako natatakot sa kaniya,”

Tumikhim si Thrielle para makuha ko ang atensiyon niya. “Hindi ba nila nalaman na ikaw ang may pakana ng gano'n sa mga kaibigan nila?” she asked and I shake my head for saying no.

Hindi nila nalaman 'yon dahil mabilis ako'ng nakatakas bago pa nila malaman. “Hindi nila malalaman na ako ang may gawa no'n dahil mabilis ako'ng nakatakas bago pa nila malaman,” sagot ko sa kanila at tumango naman ang iba maliban kay Syrine.

“Are you sure?” naniniguradong tanong ni Syrine.

“100 % sure,”

Kanina pa tumutunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko ang sunod-sunod na tawag at texts. Kilala ko na kung sino ito, dahil siya lang naman ang naglalakas loob na mag-istorbo sa akin.

Binasa ko ang ilang text niya hanggang sa may nabasa ako'ng message na kinagalit ko. “Your mother is really having a hard time, right? Can I make her rest forever since she want it,” mahina kong pagbasa sa text niya.

Napakuyom ang kamao ko dahil idadamay na niya ang magulang ko. Nakatingin ako ng mariin sa cellphone ko at mahigpit ang pagkakahawak ko roon. Bakit hindi ko na lang palitan ang misyon namin? Should I let them rest forever too?

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko kaagad at lumabas ako sa library. Pumunta ako sa aking kuwarto at ni-lock ng maayos ang pinto. Soundproof ang kuwarto na ito at hindi naririnig sa labas ang ingay.

“What do you want?” malamig kong tanong at narinig ko ang cold and husky voice niya na tumatawa.

Pinaglalaruan ako ng kumag na ito. Hindi niya talaga ako kilala ng buo. “Just relax, darling. I just want to hear your beautiful voice. It makes me smile,” sabi niya habang natatawa.

“Relax your face. I don't want to hear your fvcking voice. I hate you from the bottom of my heart,” malamig kong sambit saka umupo sa aking upuan dito sa kuwarto ko.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now