CHAPTER 13

14 3 0
                                    

-STEPHANIE

Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng mahaba. Bumangon ako sa kama at napatingin sa bintana na natatakpan ng gray na kurtina. Tumatama roon ang sinag ng araw kaya I'm sure na umaga na. Hindi ko akalain na hindi man lang ako nakaramdam ng gutom kahit wala akoʼng kinain kahapon.

Bumukas bigla ang pinto at pumasok si Zafiro na bagong paligo. Nakahawak siya ng isang tray na may lamang pagkain. Napagmasdan ko ang sout niya na simpleng black t-shirt with black pants. Naka-messy hair siya at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya.

Nilapag niya sa side table ang dala niyang pagkain na nakalagay sa tray. Isang sopas pala at pritong scrabble egg at beef loaf. Akala ko kung ano na ang niluto niya.

“I cook food for you. Kainin mo na kasi masarap ʼyan,” sabi niya sabay turo sa pagkain.

Tiningnan ko lang ito na parang inspection ang ginagawa. Naalala ko dati na nilagyan niya ng gamot pangtulog ʼyong hinanda niyang pagkain.

“Don't worry wala akoʼng nilagay na lason o gayuma. I can make you fall in love with me without using gayuma,” sabi niya habang natatawa pero nagdadalawang isip ako.

Hindi ko na lang kakainin dahil may trust issue pa ako sa kaniya. Hindi mapagkatiwalaan ang katulad niya na maraming sekreto.

“You should be thankful na ikaw ang kauna-unahang babae na pinagluto ko,” sabi niya pero napangiwi na lang ako.

Ito ba ang pinagmamalaki niyang niluto niya. Kahit nga elementary student ay alam ʼyan lutuin. Akala ko pang special restaurant ang pinag-aaralan niyang luto, hindi naman pala.

“Dapat ko bang ipasigawan?”  Sarcastic kong tanong at parang nainsulto naman siya sa sinabi ko.

Naupo siya sa upuan na nasa gilid ko. Tiningnan niya ako ng nakangiti pero may kakaiba sa ngiti niya na parang pinilit niya ang sarili niya na ngumiti. Napagmasdan ko sa malapitan at ang haba pala ng pilikmata niya na bagay sa kaniya. Kaya nagtataka ako kung bakit ako ang target niya kahit ang guwapo niya.

“Darling, good mo ako ngayon kaya huwag mong sirain,” banta niya sa akin at umayos sa pagkakaupo.

Naka-dekwatro na ito habang titig na titig sa akin gamit ang mga malalim niyang mata. “Paano ako makakain kung nakaposas ang isang kamay ko?” tanong ko sa kaniya sabay tunog ng tiyan ko.

Napapikit ako ng palihim sa hiya. Mukhang narinig niya ang malakas na pagtunog ng tiyan ko. Rinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya nilingon ko siya. “You're so cute, darling. Don't worry, I will be the one who will feed you. You are under of my control,” sabi niya at kinuha ang sopas.

Tinapat niya sa labi ko ang kutsara na may lamang sopas. Binuka ko naman ang bibig ko at kinain ang pinakain niya sa akin. “Baby should be feed up,”

Kumakain ako ng pagkain. “I'm not your baby,” sabi ko kahit may pagkain sa bibig ko.

Ngumisi lang siya sa akin. Hindi ko talaga gusto kung paano siya tumitig o tumingin sa akin. Parang nagmamalaki kasi ang tingin niya, kumbaga para siyang hari sa kaniyang nasasakupan.

“Of course not, because you're my darling,” sabi niya at may tinapat ulit na kutsara sa labi ko.

Ngumiti pa siya na parang nakatutuwa ang sinabi niya at dapat akoʼng kiligin. Hayaan ko na lang siya sa pagtatawag sa akin ng darling dahil siya naman ang nagsasalit no'n at hindi ako.

“This is the second time that I feed my future wife. I should write it in my diary,” sabi niya  at may pagmamalaki sa boses niya.

Kinakain ko lang ito dahil gutom na ako. Tiningnan ko siya nang nagtataka dahil sa sinabi niya. I mean, first time ko makarinig na nagsusulat pala ng diary ang isang lalaki. Kadalasan kasi sa nakikita ko ay mga babaeng may crush at babaeng feel lang magsulat nang nangyari sa buhay niya.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now