CHAPTER 9

16 4 0
                                    

-STEPHANIE

Habang naglalakad ako ay nakita ko sa hindi kalayuan si Maddison na nakaupo sa isang upuan habang nakatili ang kaniyang mga kamay at may busal pa sa bibig. Mabilis ako'ng tumakbo rito at napansin ko na walang tao. Sino sa mga kaibigan ni Zafiro ang gumawa nito kay Maddison?

Mabilis ko siyang kinalagan at tinanggal ang busal sa bibig niya. “Sino ang gumawa nito sa'yo?” I asked at pinatayo siya agad since nanghihina ang katawan niya.

“U-uuwi muna tayo, k-kailangan ko ng energy muna,” sambit ni Maddison at inakay ko siya.

Napansin ko na basa ang buhok niya at mukha na parang may tumapon sa kaniya ng isang tabo ng tubig. Mabuti na lang pala at naisipan ko siyang hanapin kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Inakay ko siya papasok sa parking lot at mabuti na lang ay hindi butas ang gulong ng kotse ni Wendy.

Napansin ko rin na wala na rito sa parking lot ang kotse ko. Mabilis kong sinakay si Maddison sa passenger seat ng kotse at pumunta ako sa driver seat pagkatapos kong isara ang pinto ng passenger seat. Pinaandar ko ang kotse at matulin na pinatakbo.

Dadalhin ko si Maddison sa headquarter dahil may mga gamot naman doon at para makapagpahinga na rin siya ng maayos. Mabuti na lang at walang traffic enforcer na nakakasalubong ko sa daan dahil over speeding na ang pagpatakbo ko. “Humanda ang gumawa nito sa'yo kahit may hinala na ako,” mahina kong sambit.

Humanda sila Zafiro if sila ang may kagagawan nito. Lalo na 'yong mga kaibigan niyang mga siraulo. Pinark ko kaagad ang kotse sa parking lot ng headquarter at inakay si Maddison papasok sa loob since nanghihina na ang kaniyang katawan. Pinahiga ko siya sa kama saka kumuha ng pagkain at tubig. Mabuti na lang at may pagkain sa ref at tubig.

Pinaayos ko ng upo si Maddison saka pinasandig sa headboard ng kama niya sa kuwarto niya. Pinainom ko siya ng tubig at ininom naman niya ito. Naubos niya ang isang basong tubig na pinainom ko saka pinunasan ko ang mukha niya. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko pero hindi ko na pinansin.

“Sino ang gumawa nito sa'yo?” mahina kong tanong at saka sinubuan siya ng pagkain na macaroni.

Since ito 'yong nakita ko na pagkain sa ref, wala na rin ako'ng oras para magluto pa. Nilunok naman niya ang pagkain. “Tinali ako no'ng mga gago na 'yon dahil utos daw ni Zafiro kapag tumanggi ka na kumain sa niluto niya na pagkain. Mabuti na rin na tumanggi niya dahil may sleeping pills 'yong mga inumin doon,” sabi ni Maddison sa mahinang boses.

Tama nga ang hinala ko. Naiinis na ako sa Zafiro na 'yan at kung hindi lang sa misyon namin ay matagal ko na siya tinuluyan. “Bakit hindi ka lumaban? Malakas ka naman,” tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya.

“Hindi ako lumaban dahil malalaman nila ang skills natin. Naghihinala na sila sa atin lalo na nakakaya mong kalabanin si Zafiro kahit na siya ang pinakamalakas sa kanila,” sabi ni Maddison at doon ko napagtanto na naghihinala na rin sila sa amin.

Nangyari pala ito kay Maddison dahil sa akin tapos hindi rin siya lumaban dahil sa akin. Bakit ako pinaghihinalaan ni Zafiro? Hindi ko naman pinapakita sa kaniya ang lakas ko. “Sino sa kanila ang tumali sa'yo at bumuhos sa'yo ng tubig?” malamig kong tanong.

Tiningnan ako ni Maddison na pilit binabasa ang expression ko. “Pag sinabi ko, ano'ng gagawin mo sa kanila? Gagantihan mo ba sila?” sabi niya at natahimik ako.

Dapat lang na maramdaman nila ang ginawa nila sa kaibigan ko. “Pipigilan mo ba ako sa gagawin ko?” tanong ko pero umiling siya.

“I trust you, do whatever you want pero mag-ingat ka,”

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now