CHAPTER 14

13 3 0
                                    

-STEPHANIE

Mabuti na lang at mabilis ang usad ng jeep na ito. Maulan din kaya halos nagmamadali na ʼyong mga kotse lalo na nagsisikan ang mga tao sa mga waiting shed para makisilong. Hindi ko pa matawagan mga kaibigan ko dahil wala sa akin ang cellphone ko. Sa bahay muna ako pupunta bago sa headquarters.

Kukumustahin ko lang ang nanay ko baka ano na nangyari sa kaniya. Patuloy ang daloy ng jeep at may ilan na bumaba na. Lima lang ang natira sa sakay ng jeep I think malapit na sila bumaba kasama ang katabi ko na matanda.

“Saan ka bababa, Hija?” tanong noʼng matanda na katabi ko sa jeep.

Sasabihin ko ba? Pero wala naman siguro siyang gagawin na masama. May trust issue kasi ako dahil sa nangyari noon. Kaunti lang pinagkatiwalaan ko ngayon dahil until now ay hindi ko pa rin ʼyon makakalimutan dahil tumatak na sa isipan ko.

Napansin naman noʼng matanda na nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba siya o hindi. Ngumiti naman ang matanda sa akin. Naalala ko tuloy si lola noʼng ngumiti siya. I think si lola pa nga ang laging nagpapagaan sa loob ko tuwing pinagsasabihan ako ni Mama ng mga masasamang salita.

“Hija, ganiyan ba talaga ang mga mata mo? Masiyadong malamig, sa tingin ko hindi ka marunong magpakita ng nararamdaman mo,” sabi sa akin noʼng matandang babae at bahagyang ngumiti pa.

“Ganito na talaga ako simula noong 10 years old ako,” sagot ko sa mahinang boses at tumigil naman ang jeep.

May sumakay pala na isang ale at may kasama itong batang lalaki na I think nasa edad na walo. Halos may kalumaan ang sout ng batang lalaki at tulo pa ang sipon niya habang ang kaniyang ina naman ay may tagpi-tagpi na rin ng mga tela ang damit niya na halatang itinakip niya ito sa butas na damit niya.

May dalang maliit na basket at maliit na celophane ang ale habang puno ng pawis ang mukha niya. Basang-basa silang dalawa ng ulan at umupo sila sa malayo sa ibang pasahero. Mas lalo naman lumalakas ang ulan.

“Pero dapat marunong ka rin magpakita ng damdamin. Hindi naman sa porket na magpakita ay ibig sabihin lang noʼn ay mahina ka,” payo sa akin noʼng matanda at tumigil ang jeep.

Tumayo siya at may nilagay siyang wallet at payong sa lap ko. Nagtataka ko siyang tiningnan. Dalawa pa lang ang hawak niyang payong. “Sige, hija. Mauuna na ako, mag-ingat ka.” Paalam niya saka dahan-dahan naglakad palabas.

Hindi ako makapagsalita hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Napatingin ako sa binigay niya sa akin. May nakabalot din pala sa brown paper bag ang binigay niya. Tiningnan ko ang laman ng paper bag at biscuit pala ito na cream-o saka bibingka at mineral water.

Hindi ko namalayan na naalala ko bigla ang lola ko. Ganito rin siya mag-alaga sa akin noon. Hindi niya ako hinahayaan na magutom. Sana magkita pa kami ulit at papasalamatan ko siya sa kabaitan niya. Tatlo na lang pala kami ang naiwasan sa jeep.

Napansin ko na nakatingin ʼyong batang lalaki sa brown na supot na binigay sa akin noʼng matanda. Hindi siya kumukurap habang tinitingnan niya ito. Since nakaharap naman ako sa gawi nila ay tiningnan ko ang batang lalaki.

Napansin niya ang tingin ko kaya napapahiya siyang nagbaba ng tingin. “Gutom ka ba?” tanong ko sa batang lalaki.

Umangat ang tingin noʼng batang lalaki saka dahan-dahan na tumango. Ngayon ko lang napansin na gusgusin ang mukha niya at ilang araw siyang hindi nakakain. “Saʼyo na ito,” sabi ko sabay abot sa kaniya noʼng brown na supot.

Busog naman ako kaya mas mabuti pa na simula na ang kumain doon since kailangan naman nila. Tiningnan kami noʼng nanay nang batang ito. Agad naman kinuha ng batang lalaki saka ngumiti ng malapad sa akin.

GETTING CLOSERTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang