CHAPTER 20

11 3 0
                                    

-STEPHANIE

Dalawang araw na ang nakalipas at lagi kaming gumagala ni Zafiro. Kahit saan-saan niya ako dinadala at lahat naman ay magagandang lugar. Natuklasan ko lang dahil sa kaniya. Ngayon naman ay sasamahan ko siya sa headquarters nila sa banda dahil may practice sila for preparations sa battle of the bands na sinalihan nila.

Motto raw nila ay hindi sila magpapatalo kaya matindi ang kanilang page-ensayo. “Bakit mo ba ako sinama? Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan mo?” tanong ko kay Zafiro habang naglalakad kami sa hallway ng building nila.

May sarili pala silang building para roon sila mag-practice or sound record ng kanta nila. May binuksan siyang isang pinto na color black.

“Donʼt worry, wala silang sasabihin saʼyo na masama,” sagot niya at bumungad sa amin ang mga kasama niya na nakaupo sa gilid.

May malaking mirror ang practice room nila na kitang-kita ang katawan mo. Napatingin ako kay Cyziel na nakangisi habang nakatingin sa kamay namin ni Zafiro na magkahawak kamay.

Pinilit ko na tanggalin ang kamay ni Zafiro kasi nasa harap kami ng mga kaibigan niya kaso mas lalo niyang hinigpitan. Pumasok kami tuluyan at siya pa mismo ang sumara sa pinto. “Magpa-practice tayo at manonood ang darling ko. Wala naman siguro sa inyo ang may violent reaction?” tanong ni Zafiro sa kaniyang mga kaibigan pero walang nagsasalita sa kanila.

Umiwas ang mga tingin nila. “Since there is no reaction. Then weʼll start our practice,” sabi ni Zafiro at hinila ako sa may single sofa.

Pinaupo niya ako roon habang ang mga kaibigan niya ay nakaiwas ng tingin at may sariling mundo. “Dito ka lang muna at manoood. Mag-practice muna kami. Behave ka lang diyan, darling,” sabi ni Zafiro at may kakaiba sa huli niyang sinabi.

Tumango na lang ako at naitindihan naman niya ang sagot ko dahil lumapit na siya sa mga kaibigan niya. May pinag-uusapan sila habang ako naman ay mas pinili na maglaro ng plants vs zombies sa cellphone ko.

Nasa pool level na ako at nauunahan ko na ang mga kaibigan ko since may challenge kami sa game na ito kung sino ang mauuna matapos sa amin na laruin ito. Focus ako sa paglalaro at naririnig ko na ang malakas nilang tugtog at kanta. Gusto ko sana manood kaso mas pinili ko na maglaro na lang.

Naiinis ako sa mga zombies na may dalang dolphine kasi ang bibilis nila, namamatay tuloy ang mga plants ko. Patuloy lang ako sa paglalaro hanggang sa wala na akoʼng naririnig na music. Natapos na kaya sila? May naramdaman akoʼng lumapit sa akin.

“Busy ka pala sa ibang bagay. Dapat pinanood mo ako habang kumakanta,” sabi nito pero hindi na ako umangat ng tingin.

Boses pa lang ay alam ko na kung sino siya. Wala rin naman kasi akoʼng interes sa banda or music. Pero nakikinig naman ako kahit busy ako sa paglalaro.

“Nakikinig naman ako kahit naglalaro ako,” sagot ko kasi baka magalit na naman siya.

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. “Kaya kita dinala rito para mapakinggan at mapanood mo ako habang kumakanta. Iʼm so disappointed,” sabi niya at tinigil ko muna ang paglalaro sabay lagay ng phone ko sa mini dark brown shoulder bag ko.

“Iʼm sorry, sa susunod ay papanoorin na kita,” sabi ko dahil ayaw ko magalit at magwala siya rito.

Umangat ako ng tingin sa kaniya at titig na titig naman siya sa akin. “I forgive you, donʼt do it next time,” sabi niya at tumango na lang ako.

May bumukas sa pinto at niluwa ang isang babae na I think nasa 30ʼs ang edad niya at mukhang masungit kasi nakataas ang kilay niya habang nakatitig sa akin. May katabaan ang kaniyang katawan at I think nasa 5ʼ2 ang tangkad niya. May mga makakapal siyang kolerete sa  mukha at strict ang tindig niya.

GETTING CLOSERWhere stories live. Discover now