CHAPTER 1

2.6K 116 18
                                    

"No! Ayoko Ma! Maiiwan ako dito, ayoko sumama!" sigaw ko kay Mama.

"Cellie, kukunin na ng bangko itong bahay, matagal na namin itong hindi nahuhulugan, nagsarado na din ang mga negosyo natin dito dahil sa hospital bill ng Papa mo, baby please understand us. May bahay tayo sa probinsya doon na tayo titira. " Paliwanag ni Mama.

Alam kong sa punto na 'to wala na akong magagawa, kung magpapaiwan ako wala akong matitirhan dito. Naluluha akong napatingin kay Mama bago umakyat sa kwarto ko.

Agad akong humiga sa kama at tahimik na lumuha. I can't imagine myself living in the province. Dito ako lumaki at nagka-isip sa Maynila, ayoko sa mga bundok, ayoko sa mga hayop pero wala na kong magagawa, wala na ang mga negosyo namin dahil nalugi ito para matustusan namin ang lahat ng Hospital Bill ni Daddy dahil sa sakit niya.

Isa isa kong tinawagan ang mga friends ko para sabihin lilipat na ako ng probinsya, sinabi nila sakin na pag may time sila bibisitahin nila ako.

Mabilis akong nag impake ng mga gamit ko, dahil na din sa pagod di ko namalayan na naka tulog pala ako.

**************

"Mama, Look! There's a Carabao and a Cow!!! " Manghang sabi ni Cielo ang nakababata kong kapatid habang nakadungaw sa bintana ng kotse.

"Mama! There's a goat too, look!! " sabi pa nito. Nakangiti lang si Mama habang pinapanood ang kapatid ko. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkamangha, sabagay ako lang naman ang hindi masaya sa paglipat namin dito.

Liningon ako ng kapatid ko. "Ate ang daming bundok." manghang manghang sabi nito. Inirapin ko lang siya bago kinuha ang Headset ko para di ko na marinig ang ingay ng kapatid ko.

"Sungit! " sabi pa nito.

*********************

"Celestine! Hija! Ikaw na ba yan?! Aba't napakagandang dalaga mo na, dati bata ka pa nang huli kong kita sayo. " Sabi ng isa kong Tita na hindi ko naman kilala.

"Salamat po Tita. " I said with a little smile.

Pinagmasdan ko ang buong bahay, buti na lang ang bahay namin ay may konting bakas na ng modernisasyon, thought will live in made of kawayan na bahay. Napansin ko din na may kalakihan itong bahay namin kumpara sa mga bahay na nadaanan namin kanina.

"Cellie, siya nga pala ang Tita Camille mo, bata ka pa nung pumunta siya ng maynila kaya siguradong di mo na siya kilala. " 

"Opo, hindi ko na po kayo matandaan" nahihiyang pag-amin ko.

"Ito naman si Cielo." pakilala ni Mama sa kapatid ko.

"Hello po Tita Camille. " Magiliw na bati ni Cielo.

Ngumiti si Tita kay Cielo at ginulo ang buhok nito, at saka bumalik sa pakikipag usap kay Mama.

"Ma, saan po ang magiging kwarto ko?" tanong ko kay Mama.

"Cedric! Pakisamahan nga itong pinsan mo sa magiging kwarto niya. " Lumapit naman ang lalaki na nagngangalang Cedric. 

 Mas bata ito sa akin ng ilang taon, tansya ko ay nasa high school pa lang ito. Infairness may itsura itong pinsan ko, kung mapupunta ito sa Maynila, hindi mahahalatang taga-probinsya.

"Ate sumunod po kayo sa akin. " Seryosong sabi nito. Tumango ako bilang tugon, binuhat ko na ang backpack kong naglalaman ng mga gadget ko.

Umakyat kami sa second floor ng bahay at may nakita akong apat na Pinto. Huminto kami sa pang apat na pinto. Ito siguro ang magiging kwarto ko.

"Ate dito po ang magiging kwarto niyo. " Sabi ni Cedric na seryoso pa din. Aba? Di ba marunong ngumiti ang batang to?

"Salamat." Tumango lang ito at umalis na.

TO BE WITH HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now